|
|
| Marian, pinilahan sa Cavite!Author: Abante MAHIGIT sa 50 pala ang inaanak ni Marian Rivera sa Cavite. Kaya hindi na ako nagtataka na mahaba ang pila ng mga nagpunta sa bahay nila ng Lola niya para humingi ng regalo sa kanya. “Kahit nu'ng hindi pa ako artista, ang dami ko na talagang inaanak. Pero lahat sila, pinaghandaan ko ang regalo ko sa kanila,” sabi ni Marian. Nung nakatsikahan namin si Marian, inamin niya na wala pa siyang nabibiling regalo para kay Dingdong Dantes. “Wala pa talaga!?Eh, kasi, ang hirap namang regaluhan ni Dingdong. Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya! Siguro kapag nakapag-shopping ako, doon pa lang ako bibili ng regalo ko sa kanya.” Eh, si Dingdong ba, ano ang iniregalo sa kanya? “Wala pa rin! Ha! Ha! Ha!” Para kay Marian, napakarami niyang dapat ipagpasalamat sa taong 2008, kahit lately ay inuulan siya ng iba't-ibang intriga.?Mas gusto raw niyang mag-focus sa magagandang bagay kesa sa mga negatibong ipinupukol sa kanya. “Hindi ko na lang talaga iniisip 'yung mga negative na nangyayari sa akin. Kasi, sobrang dami rin namang positive sa akin kesa sa negative. Itong mga negative na ito ay pagsubok lang talaga para sa akin para maging matatag ako. “At tanggap ko 'yun bilang artista. Ito ang package, intriga at tsismis. So, kung ayaw mo ng intriga, huwag kang mag-artista.” Kakambal na nga ng kasikatang tinatamo niya ngayon ang halos lahat na yata ng galaw at kilos niya ay pinapansin. Pero, bukod sa kanyang pamilya, ang mga fans daw niyang patuloy na sumusuporta sa kanya ang pinaghuhugutan niya ng lakas. “Masarap sa pakiramdam dahil nandiyan ang mga taong sumusuporta sa akin. Sa tingin ko, mas dumarami pa ang mga fans ko. Palaki sila nang palaki.” Siyanga pala, for the record ay may 24 endorsements na si Marian ngayon. At dahil daw sa mga intrigang ibinabato sa kanya ay naapektuhan din ang mga kontrata niya. “Bakit daw ako umiyak? Bakit daw ako ganito? Kasi, ang daming aspeto kung bakit. Kasi, tingnan n'yo, ang dami kong kontratang inaalagaan na kung malaman nila kung anuman ang mga tsismis na 'yun, naapektuhan ang contract ko. “Pero, tumatawag naman sila at naayos din namin. At sabi nga nila, susuportahan pa rin nila ko. Walang pagbabago. “Lahat sila nag-renew ng kontrata. Lahat sila kumampi sa akin. At masaya ako na lahat sila nagtitiwala sa akin,” sabi na lang ni Marian. Source: Abante |