Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian playing Ms. Congeniality lately

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

AFFECTED pa rin si Marian Rivera sa mga intriga tungkol sa kanya. Nagpe-pray na lang daw siya kapag nakakabasa ng negative write-ups about her. Nag-e-effort nga raw siya to make friends with everybody.


Mabuti na lang daw, kahit ano'ng intriga ang ibato sa kanya, naiintindihan siya ni Dingdong Dantes who's always there for her. "Hindi judgmental si Dong. Tanggap niya kung ano ako. Ipinapa-kita ko sa kanya kung sino ako talaga," said Marian in a talk with her sa taping ng 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.'

Very much comfortable na sila working with each other. Wala nang hiya sa isa't isa. Ang ayaw lang daw nila'y 'yung magsisinungaling. "Maiintindihan ko si Dong, basta sabihin lang niya lahat sa akin. Open ako sa kanya. He knows everything about me," anang dalaga.

Natutuwa si Marian na kapag nasa mall siya, Proserfina ang tawag sa kanya ng mga tao. Ibig daw sabihin, pinapanood nila ang 'ABHST.' At lalong nagiging kapana-panabik ang mga yugto sa 'ABHST' ngayong nakatakas na sina Proserfina at Homer sa mga kamay ni Rado. Kaya lang, magkakaroon ng pani-bagong problema si Homer dahil ipinaaako sa kanya ni Helene (Angelu de Leon) ang batang diumano'y ipinagbubuntis nito.

Source: Tempo