|
|
| Marian sa 'Dyesebel,' Richard sa 'Captain Barbell Meets Darna'Author: Nitz Miralles NGAYON na huhusgahan ang loveteam nina Marian Rivera at Richard Gutierrez, dahil opening na sa more than 100 theaters nationwide ang My Bestfriend's Girlfriend. Hindi nakagugulat kung muling manood ang mga nakapanood na sa masayang premiere night para lang muling tumawa at ma-in love sa dalawang bida. Siguradong masusundan ng iba pang pelikula ang Marian-Richard team-up, dahil gusto ng tao at may chemistry. Bentang-benta ang pagpapatawa at pagpapakilig nila sa fans at 'kaaliw ang narinig naming reklamo na sana dinagdagan pa ang kissing scenes ng dalawa. Pareho kami ng paniniwala ni Allan Diones na this is one of Direk Mark Reyes' best movies. We're looking forward na tuloy kung ano ang gagawin niya sa movie nina Jolina Magdangal at Gabby Concepcion for GMA Films. Samantala, bago ipalabas ang BFGF, pinakita muna ang ads ng future shows ng GMA-7 at kitang-kita ang mukha ni Richard sa Captain Barbell Meets Darna. Ibig sabihin, siya pa rin si Captain Barbell, pero malabo pa ang mukha ni Darna. Labas na rin nang konti ang mukha ni Dyesebel sa ad ng Dyesebel at mukha ni Marian ang aming nakita. Siya na nga si Dyesebel and by now, napili na rin ang kapareha niya. * * * BOYFRIEND ni Marian sa BFGF ang role ni JC de Vera at feeling nito, kahilera na niya sina Richard at Dingdong Dantes. Ang una'y leading man ng actress sa nasabing pelikula at ang huli'y kapareha sa MariMar. Ang pinanghihinayangan lang nito'y wala silang kissing scene ng actress. Valentine's Day na bukas at dahil magkasama sila sa taping ng Babangon Ako at Dudurugin Kita, si Yasmien Kurdi na ang ka-date ni JC. Flowers at Xenical (diet pills) daw ang gift niya sa actress at sana'y 'di nila pag-awayan dahil nagbibiro lang si JC. Sa March 24 na ang pilot ng teledrama, na nagpapanerbyos kay JC, dahil primetime na ito at kahit marami sila sa cast, sila ni Yasmien ang magdadala nito. Ibinabalik din dito ang tambalan nila ni LJ Reyes, na makaka-triangle nila ni Yas. Role ni Bembol Roco sa movie ang ginagampanan niya, pina-angat para simula pa lang, mapapanood na siya. Sila rin ni Yasmien ang magkapareha sa Love is All that Matters ng Regal, kasama sina Jean Garcia at Polo Ravales, Aljur Abrenica at Kris Bernal at Iya Villania at John Prats. * * * AKALA namin, nagba-bluff lang sina Ariel & Maverick nang sabihing February 14 na ang alis nila for the States para sa shooting ng GMA Films movie na Maverick and Ariel's First Ever Ever Movie Hollywood or Else... (Ang Pinakamahabang Title ng Movie sa Balat ng Lupa). Sa send-off sa kanila, bukas na nga ang kanilang alis at two weeks sila sa Los Angeles at Las Vegas para sa shooting ng first reality movie to be released here at tatawaging "mockumentary. " Ang director nila sa Misadventures of Ariel and Maverick sa ABC-5 na si Aleah Aliporo rin ang director ng pelikula. Pagbalik nina Maverick and Ariel, saka i-a-announce ang kanilang leading ladies, pero kung ang una ang masusunod, type niyang makapareha nila ang Hollywood actresses na sina Reese Witherspoon at Kate Beckinsale. Sa istorya, lalabas na mag-o-audition sila sa American Idol, pero dahil tapos na ang audition, bibigyan sila ng special auditions nina Paula Abdul, Randy Jackson at Simon Cowell. Wish ni Joey Abacan, supervising producer ng GMA Films, na matuloy 'yon. Tinanong si GMA Films producer Annette Gozon-Abrogar kung bakit binigyan ng movie sina Ariel at Maverick? Sabi nito: "We want to try something new, we want to give the audience a taste of something new. Hindi pa nakikita ang brand ng comedy nila sa big screen. " * * * PATAS lang sina Toni Gonzaga at Sam Milby, dahil kung si Direk Paul Soriano ang tinanong sa una sa presscon ng Big Love, si Anne Curtis naman ang inusisa ng press sa huli. Kahit may kani-kanyang lovelife, klik pa rin ang tambalan ng dalawa na muling mapapanood sa Star Cinema movie na showing sa February 27. May mga nasulat na hiwalay na sina Sam at Anne, pero sabi ng binata, walang break-up na nangyari sa kanila't hindi sila nag-on. Ayaw itong paniwalaan ng isang reporter na mukhang may alam sa kanilang lovelife, dahil hindi magpapalitan ng galanteng regalo ang dalawa kung friendship lang ang namamagitan sa kanila. Tsinika tuloy ng friend naming isang Louis Vuitton wallet ang Christmas gift ni Anne kay Sam, na pinalitan nito ng dalawang malalaking portraits. Ang isa roon, solong picture ng actress ang nakalagay at ang isa'y picture nilang dalawa. * * * SA MariMar mamaya, kukumpirmahin ni Corazon (Manilyn Reynes) na penmanship ni MariMar ang sulat na ibinigay kay Sergio (Dingdong Dantes). Nagmamadali itong umalis para maabutan si MariMar. Nasa panganib nga si MariMar at hawak siya ni Angelika, na umaming kagagawan niya, kaya humiwalay si Sergio sa kanya. Tututukan pa ni Angelika ng baril si MariMar, na lalong naghirap ang loob sa nalamang si Angelika na ang guardian ni Cruzita. Iuutos na rin ni Angelika na patayin si MariMar. Source: People's Tonight |