|
|
| Marian says she's all set to greet Karylle when they meet by chanceAuthor: Tempo HINDI pa nagkikita o nagkakausap sina Marian Rivera at Karylle matapos umiyak ang una sa presscon noon ng 'Desperadas 2' dahil sa meaningful smile ni Karylle. Pero ani Marian, in a talk with Tempo sa presscon ng 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,' if by chance ay magkita sila ni Karylle, handa siyang batiin ang dalaga.
"Wala namang problema sa amin ni Karylle. Walang issue. Noong lumipat lang siya sa kabila (ABS-CBN), nagkaroon ng isyu sa amin. Hindi naman kasi dapat pinangungunahan ang mga bagay-bagay. Basta hindi ako galit sa kanya o kahit kanino. Iniwan ko nang lahat ng negative na nangyari noong 2008. Gusto ko, bagong taon, bagong buhay," said Marian. So, ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Dingdong Dantes? "Lumalabas kami, but we're not exclusively dating. Tinatawagan niya ako, tatanu-ngin, 'Asan ka? May ginagawa ka?' 'Pag sinabi kong wala, yayayain niya ako, 'Tara labas tayo.' Ganu'n. 'Pag magkasama kami, there's something. Nag-e-enjoy kami sa isa't isa," ani Marian. Would you say, in love ka na kay Dingdong? "Sino ba namang babae ang hindi mai-in love sa kanya? Walang masama, if ever, ma-in love kami sa isa't isa. Pareho naman kaming single. Pero mahirap madaliin ang mga bagay-bagay." More daring, more intimate ang mga love scenes at kissing scenes nila ni Dingdong sa 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,' would you say, mas masarap kahalikan ngayon si Dingdong? "Basta, mas komportable kami ngayon sa isa't isa. (laughs). 'Andu'n ang respeto namin sa isa't isa." Come Valentine's Day, siguradong magkasama sila ni Dingdong dahil ani Marian, may taping sila ng 'ABHSAT.' Hindi raw niya alam kung after ng taping ay yayayain siya ni Dingdong na lumabas. Wala pa siyang naiisip na Valentine gift for him dahil aniya, "Nasa kanya nang lahat, eh!" When suggested na sarili na lang niya kaya ang ibigay kay Dingdong, napangiti lang si Marian. (Rowena Agilada) Source: Tempo |