|
|
| Marian sobrang spoiled kay Dingdong![]() Author: Lito Mañago DAPAT pa bang itanong o dapat pa bang mangulit kina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung sila na nga ba? Actions speak louder than words, noh! Sa post-birthday celebration ni Marian (August 12 ang kanyang actual birthday), tendered by Regal Matriach, Lily Monteverde sa Imperial Suite, dumating si Dingdong, as expected, to personally greet his favorite leading lady. Sa harap ng maraming tao, isang kiss sa lips ang ibinigay ni Marian kay Dingdong. Pagpapatunay lang na their relationship is more than friends. Sa isang interview kay Marian, itanong ang aktres ng Tarot kung bakit pareho silang masaya ni Dingdong. "Eh, ganu'n lang talaga ang buhay. Kailangan mo lang i-enjoy dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ibibigay sa iyo ni Lord ang buhay mo. You have to enjoy everything," sagot ng dalaga. Sinundot naman ito ng isa pang nakakakilig na tanong na ano raw ba ang ginagawa ni Yan (tawag kay Marian) kung bakit masaya si Dong sa piling niya. "Hindi ko alam, itanong ninyo sa kanya. Ang importante, nagiging totoo lang ako sa aking sarili. Si-guro thankful lang ako sa nangyayari sa buhay ko at enjoy lang talaga," ani pa ni Marian. Dapat nga lang maging masaya si Marian. Aside from having a top-rating primetime show na Darna sa GMA-7, nagsi-mula na ring umere ang Show Me Da Manny, ang unang pagsasama nila ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Sa Miyerkules, ipapalabas na rin ang pinagbibida-han niyang Tarot na anniversary offering ng Regal Entertainment, at leading man naman niya si Dennis Trillo. Any day from now, sisi-mulan na rin niya ang shooting ng Nieves na entry sa Metro Manila Film Festival this December. Dinig din namin, Marian is now the final choice of Mother Lily to play opposite Sharon Cuneta sa Mano Po 5: My Mother, na entry rin ng Regal sa filmfest. What else can Marian asks for? Namumulaklak ang kanyang lovelife dahil sa pag-aalaga sa kanya ni Dingdong, at tambak pa ang trabaho niya! * * * KITANG-KITA rin kay Dingdong ang kasiyahan sa tuwing nababanggit si Ma-rian. Wala nga dudang in-love rin ang aktor. Dahil kay Yan, inspired si Dong to work hard. Tulad ng kanyang rumored girlfriend, busy din ang binata sa kabi-kabilang trabaho. Lagare rin si Dingdong sa workshops, pictorials at taping ng Stairway to Heaven, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na ipalalabas sa Telebabad ng GMA sa Setyembre at taping din ng Dante's Peak, ang TV special ng Kapuso para kay Dingdong na nakatakda ring ipalabas sa SNBO on August 30. Promo period din ng Kimmy Dora, ang launching picture ng komedyanteng si Eugene Domingo, kaya tutok din ang aktor sa pagtulong sa promo ng pelikulang dinirehe ni Bb. Joyce Bernal. Para kay Dingdong, isang magandang karanasan ang pagkakapili sa kanya nina Eugene at Direk Joyce na mapasama sa pelikula. First full-length comedy film ito ng aktor kaya tuwang-tuwa siya dahil marami raw siyang natutunan dito. At ang natutunan niya sa award-winning comedienne? "Kasi minsan, may mga comedian na off-screen, hindi talaga siya nagpapatawa. Si Eugene, on and off-screen, kung ano 'yung nakikita mo sa screen, 'yun din ang nakikita mo sa kanya off-screen. We were together for almost nine days, kaya marami akong natutunan sa kanya," kuwento ni Dong nang makausap namin. Sa Kimmy Dora, iniba ang hitsura ni Dingdong. Bakit siya pumayag? "Hindi naman ako takot magmukhang engot. And in fact, I enjoyed making fun of myself. Parang ganu'n," lahad ng aktor. Maliban kay Direk Joyce at iba pa nilang kaibigan, isa rin sa producer ng Kimmy Dora"ang top actor ng Kapamilya na si Piolo Pascual. How was he as a producer? "Sa tingin ko, tutok siya," say ni Dingdong. "Kasi, bibihira lang naman pumunta ang producer sa location. Pero si Piolo, nakikita kong nakababad siya sa shooting. Pumupunta talaga siya. " * * * For comments, email us at whalesharkph@gmail. com Source: Taliba |