Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, suma-sideline kay Akihiro!

Marian, suma-sideline kay Akihiro!

Author: Dondon Sermino

Siguradong kaiinggitan na naman ng mga ba­ding si Marian Rivera. Hindi ba, nu'ng unang makapareha ni Marian si Dingdong Dantes sa Marimar, maraming bading ang nakaramdam ng ing­git, dahil malaya niyang nakakahalikan at naya­yakap si Dingdong.

At ngayon nga, isang idolo o pantasya na naman ng mga bading ang makakasama niya. Ang modelong si Akihiro Sato, na laman ng pantasya ng mga bading at babae ngayon, dahil sa kaguwapuhan at kakisigan.

Si Akihiro Sato nga ang makakapareha ni Marian bilang endorser ng Blue Water Spa. Si Piolo Pascual ang una niyang nakasama sa project na 'yon.

“May nagsasabi nga na hindi na raw iri-renew ang contract ko sa Blue Water Spa. Pero sabi ng manager ko, may contract na raw, at naghahanap lang kami ng libreng oras para sa pictorial.

“At 'yun na nga, hindi na si Piolo ang makakasama ko. Si Akihiro na ang makakasama ko.

“Model siya, 'di ba? So, hindi po totoo na tinanggal na ako bilang endorser noon. Naghahanap lang kami ng libreng oras para sa pictorial,” kuwento ni Marian.

Hindi aware si Marian na bukod sa kanila ni Akihiro, magiging endorser din sina Piolo at Karylle ng Blue Water Spa. Kumbaga, apat silang magiging endorser noon.

“Ah, talaga?” reaksiyon lang ni Marian.

“Pero, ang importante po, malaman ng mga tao na hindi ako tinanggap bilang endorser, at si Akihiro na po ang makakasama ko.”

Alam mo ba na ang guwapu-guwapo ni Akihiro at marami ang nagpapantasya sa kanya?

“Si Akihiro? Ah talaga po? Ha! Ha! Ha! Ha!” say lang ni Marian.

Anyway, iginiit ni Marian na hindi siya naapektuhan sa mababang ratings daw ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

“Kami kasi, alam namin na part 'yon ng buhay, na hindi naman parating kami ang number one. Ang importante, nagagawa namin ng maayos ang trabaho namin.”

Masaya si Marian dahil lahat daw ng ginagawa niya ngayon ay positibo sa mga tao sa paligid niya.

“Masarap ang pakiramdam na lahat kasundo mo, lahat maayos talaga. Ang importante naman doon, nata-try ako na ayusin lahat, kesa sa wala akong ginagawa,” sabi na lang ni Ma­rian.

Source: Abante