|
|
| Marian, target ni Robin!Author: Abante DIRETSAHAN na ring sinabi ni Robin Padilla na gusto niyang maka-partner sa mga susunod niyang project si Marian Rivera. “Unang-una, isa siyang Reyna ng primetime at isang malaking karangalan at isang malaking tulong 'yun at isang malaking hakbang sa aking career na makasama kung sino ang hottest, 'di ba?” sabi ni Robin. “Sana pelikula magkasama kami! Sa TV, wala namang problema 'yun?” dugtong pa ni Robin. Hindi kaya magkaroon ng problema sa pagitan nina Dingdong Dantes at Marian? “Bakit naman magkakaproblema kay Dingdong? Hindi naman ako magiging balakid sa kanilang loveteam. Hindi ako nakiki-loveteam. Hindi ako matinee idol at ako ay action star.” Kunsabagay, sinabi naman ni Dingdong na kahit sinong lalaki ay gugustuhin talagang makasama si Marian. “Siyempre, siya ang hot, eh! (Marian). Kung sino 'yung hot, 'yun ang gusto mong makasama. Career lang 'yun, walang malisya du'n.” “May mga magagandang dalaga sa paligid, eh! Ha! Ha! Ha! “Ah, hindi, ganyan lang ako!” Source: Abante |