|
|
| Marian tinalo si Angel sa rating![]() Author: Aster Amoyo Kung bumalik ng Pilipinas nung Abril 17 ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino pagkaraan ng kanilang mahigit isang buwang pamamalagi sa Amerika, muling umalis pabalik ng Ang mag-asawa lamang ang umalis at naiwan sa Pilipinas ang kanilang dalawang anak na sina Rap-Rap at Renz. Malaki ang ipinayat ni LT nang bumalik ito ng Pilipinas pero mas bumagay sa kanya. Ayon kay LT, siya umano ang dakilang caregiver at domestic helper habang sila'y nasa Amerika. Kung nung huli nilang biyahe sa LA ay sa bahay nina Sen. Jinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito sila tumuloy, ngayon naman ay sa bahay ni Dra. Vicki Belo sila tutuloy. Nagpapasalamat sina Daboy at LT dahil marami silang mga kaibigan ang patuloy na tumutulong sa kanila. Sa pag-alis ng mag-asawang Daboy at LT nung nakaraang Lunes, Abril 28, inihatid sila sa airport ng mga bosom buddies ni Daboy na sina Sen. Jinggoy, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador. Kung ang pagkakaibigan nina dating Pangulong Joseph Estrada at movie king na si Fernando Poe, Jr. ay kinamatayan na ng huli, mukhang forever na ang pagkakaibigan nina Daboy, Jinggoy, Bong at Ipe. Ang pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang nagsisilbing inspirasyon kay Daboy upang patuloy siyang makipaglaban na mabuhay sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan ngayon. * * * Si Kuya Germs ( Nang dahil kay Kuya Germs, madalas mapanood si Billy sa mga programa ng Siete at nagkaroon pa ito ng reality-dance show na Move sa Kapuso Network. Naglabas pa ng sariling pera si Kuya Germs para sa kauna-unahang major solo concert ni Billy sa Araneta Coliseum nung isang taon. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ni Kuya Germs nang malaman niya na lumipat na ng Dos si Billy at ito umano ang maghu-host ng Ang lalong ikinalungkot ni Kuya Germs ay hindi man lamang nito nakuhang magsabi sa kanya na may balak pala siyang lumipat ng TV network dahil bago umalis ng Pilipinas si Billy ay may tinanguan itong commitment sa Kapuso Network para sa isang panibagong show. Wala ring kaalam-alam ang local manager ni Billy na si Raul Laurente sa planong paglipat nito sa Dos. Still hurting, ayaw na munang mag-comment ni Kuya Germs tungkol sa ginawa ni Billy na mukhang hindi alam ang salitang respeto at utang na loob. * * * Last week of August o 'di kaya'y first week ng September ang due date ng panganganak ng young singer-actress na si Jennylyn Mercado sa magiging anak nila ng kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia. Tulad ni Valerie Concepcion, palalakihing mag-isa ni Jennylyn ang kanyang isisilang kahit hindi ito suportahan ni Patrick. Kapag bumalik na sa dati ang pangangatawan ni Jennylyn ay agad nitong babalikan ang kanyang trabaho. "Lalo akong pursigidong magtrabaho dahil sa baby ko," pag-amin ni Jennylyn na kahit buntis ay napakaganda pa rin. Tuloy, marami ang nagsabi na girl ang isisilang nito pero boy naman ang lumabas sa ultrasound. Dahil sa ginawang pagpapabaya ni Patrick kay Jennylyn lalo na ngayon na ito'y buntis, mas marami ang naaawa kay Jennylyn at galit naman sila kay Patrick na wala palang sariling paninindigan. * * * Birthday presentation ni Judy Ann Santos ang pelikulang Ploning na dinirek ng baguhang direktor at kaibigan ni Juday na si Dante Nico Garcia. Birthday ni Juday sa Mayo 11 at nagbukas naman ang pelikula sa mga sinehan nung Abril 30. Isang must-see movie ang Ploning na kahit hindi ito produced ng isang major film producer, napakaganda ng pagkakagawa at ito'y nabigyan ng "A" rating ng CEB (Cinema Evaluation Board). Overwhelmed si Juday sa mga papuri na kanyang natatanggap sa mga nakapanood na ng pelikula kung saan ay isa siya sa mga co-producers along with her friends mula sa Panoramanila Pictures. * * * May captive audience na talaga ang tambalang Marian Rivera at Dingdong Dantes na kanilang sinimulan sa matagumpay na MariMar kaya sa unang araw ng palabas ng kanilang follow-up TV series, ang fantaseryeng Dyesebel ay muli itong pumalo sa napakataas na 44. 9% kumpara sa katapat nitong programang Lobo na nakakuha ng 18. 2% at PBB Teen Edition Plus na nakakuha naman ng 19. 4%. Ma-sustain kaya ang ratings ng Dyesebel hanggang sa pagtatapos nito tulad ng sinundan nitong programa, ang MariMar, na naging consistent top-rater hanggang sa pagtatapos ng programa? * * * Source: The Philippine Star |