|
|
| Marian, tinawag na 'queen of all queens' ni DingdongAuthor: Ian F. Farinas HITSURA ng pagod at malat, hindi binigo ni Dingdong Dantes ang rumored girlfriend na si Marian Rivera nang siputin nito ang belated birthday party at mag-alay pa ng isang kanta para sa dalaga sa Imperial Palace Suites nu'ng isang gabi. Ang party ay bigay ng Regal produ na si Mother Lily Monteverde para sa female lead ng pelikulang Tarot, na showing na sa mga sinehan starting August 26. Dinaluhan din 'yon ng pamilya, mga kaibigan at kasamahan ni Marian sa Kapuso Network. Si Kuya Germs (German Moreno) ang nagsilbing host. Magkasamang dumating sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann ng Rosalinda, Mart Escudero at Jennica Garcia (sila na ba uli?). Naroon din ang GMA-7 executives na sina Wilma Galvante at Lilybeth Rasonable, gayundin sina Eddie Garcia, Dennis Trillo, AJ Dee, Iwa Moto, Direk Joyce Bernal, Buboy Villar, Mark Anthony Fernandez (kapareha ni Marian sa Darna), Gabby Eigenmann, Alfred Vargas, Tony Tuviera (ng Tape, Inc. at APT Entertainment), Direk Mike Tuviera, Malou Fagar, Roselle Monteverde-Teo at marami pang iba. Past 11 p. m. na nakarating si Dingdong, dahil galing at babalik pa raw sa rehearsal ng sariling post-birthday celebration, Dantes Peak, sa GMA-7. That time, nakaalis na ang karamihan sa mga bisita. Sinalubong siya ni Marian ng smack, kaya tilian ang mga guest na natira. Nang hilingan itong kumanta, dinedicate ni Dingdong kay Marian ang hit ng Kamikazee na Narda (theme song ng Darna), sabay sabing: "To the queen of all queens, happy birthday!" Kuwela ang dating ng pag-a-adlib ng aktor sa linyang "ang suwerte nga naman ni Ding, lagi ka niyang kapiling" na ginawa niyang "ang suwerte nga naman ni Ding...dong..." Expression pa lang ng mukha ni Marian, halatang haping-hapi siya sa pagdalo ng lalaking "pinakaimportante" sa buhay niya ngayon. At ilang beses man silang umiwas, hindi na maikakaila na in love na in love sila sa isa't isa. Ang mga kilos nila that night definitely gave them away. Umawit din sina Direk Joyce at Buboy. Bago kami umalis, nagpaunlak din ng kanta ang birthday girl, na bumanat ng Blue Bayou. * * * KONTROBERSYAL si Ricky Davao ngayon dahil pinag-uusapan ang pagkaka-link niya sa isang magazine publisher. Nakita kasi ang dalawa na magkasabay na dumating sa magarbong launch ni John Lloyd Cruz bilang endorser ng Joel Cruz Signatures sa Skydome ng SM City North EDSA kamakailan. Magkatabi rin sila sa upuan sa kabuuan ng palabas, kasama sina Joel at ilan pang kaibigan. Sa maikling pakikipag-usap namin kay Kuya Ricky kahapon, nilinaw nito na nagkasabay lang sila ng nasabing magazine publisher sa pagpasok sa Sky- Dome. Nagkataon din na common friends nila ang mga katabi, kaya doon sila umupo sa grupo nina Joel. Mariin niyang dinenay na "sila na nga" ng girl. Wala raw 'yon at friends lang talaga sila. Source: People's Tonight |