|
|
| Marian, tutok na tutok sa 'Yes' ni Dingdong!![]() Author: Abante KARAMIHAN sa mga outreach o fund-raising events ng YES Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes ay kasama o present si Marian Rivera. Sa last event ng Yes Pinoy noong Huwebes, na kung saan ay naging guest speaker si Dingdong sa Laguna State University at binigyan sila ng five scholarship ng naturang eskuwelahan, nasa tabi ulit ni Dingdong si Marian. “Lalo na when I launched the foundation kasi, ipinakita niyang that's beyond the limelight. Kaya ako natutuwa and I get inspired more because of people na nagpapakita ng tulong na walang kapalit. Sa mga kaibigan, volunteers and pamilya ko, kasama na si Marian dito, salamat sa kanilang lahat,” sabi ni Dingdong. Klinaro namin kay Dingdong kung member ba si Marian ng foundation. Pero, tila mas higit pa sa member ang role ni Marian sa founder na si Dingdong. “Inspirasyon siya behind it, eh!” buong ningning niyang sabi. Looking forward naman si Dingdong sa October 25, kung saan ilu-launch naman nila ang pinakamalaking project ng foundation which is, pipili na sila ng eskuwelahan na ire-rehabilitate nila. “Yes, that's why, we're making an appeal sa lahat ng gustong magbigay rin ng donation na this time, ang kailangan naman natin ay mga notebooks, books, pang-karpintero, paints. Parang bayanihan ang mangyayari na tayo mismo ang gagawa. “Kasi, I believe, nangyari rin 'yung mga nangyari dahil na rin sa lack of education. It's one thing na hindi talaga natin puwedeng i-neglect.” “Well, sa tingin ko, 'yung mga ganoong bagay, hindi mo talaga maiiwasan. Iba ang pananaw nila. Iba ang tingin nila sa nakikita o napapanood nila. Pero ako, gusto kong klaruhin na iba ang scene sa totoong buhay. “And I am not trying to create any illusion na baka may posibilidad nga na ganoon. At kung meron man, we are not the type to do that. But at the same time, it's okay to say good things about her (Rhian), alangan naman na siraan ko siya, 'di ba? And what I tell about her are all normal.” Pero ayon kay Dingdong, kampante naman daw siya na sa tama lang din ang ginagawa niya. At alam naman daw niyang ihiwalay ang personal sa trabaho. Source: Abante |