Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, type maging horror queen!

Marian, type maging horror queen!

Author: Ruel Mendoza

DUMAGSA ang maraming tao sa premiere night ng horror film na Tarot na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dennis Trillo sa SM Megamall.

“Hindi ko ma-express ang nararamdaman ko ngayon,” nakangiting sabi ni Marian.

“Nakaka-overwhelm ang suporta ng mga fans. Alam ko naman na hindi lang ako ang ipinunta nila rito kundi pati ang mga kasama ko sa movie. Sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko sa kanila dahil nag-abala silang lahat na pumunta rito,” dugtong na sabi pa ni Marian.

Late dumating si Dennis sa premiere night na `yon, dahil galing pa raw siya sa taping ng Adik Sa 'Yo sa Commonwealth Avenue. Isang malaking wedding scene raw ang kinunan sa set nila.

“Malaking scene 'yon kaya pinaganda ni Direk Joel (Lamangan). Dapat nilang abangan 'yon kasi siguradong matutuwa sila,” say naman ni Dennis.

Ang Tarot ay ang se­cond team-up nina Ma­rian at Dennis. Una silang nagsama sa pelikulang Pamahiin na isang horror movie rin.

Sa loob nga ng sinehan ay sigaw nang sigaw ang mga manonood. At dahil sa Tarot, baka puwede na rin daw tawaging Horror Queen si Marian!

“Why not, 'di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!

“Nagugulat din ako sa mga eksena namin sa movie. To think na ako na ang gumanap. Pero, nakakagulat at nakakatakot pa rin. Kung ikakasaya nga ng mga tao na mapanood pa ako sa mga ganitong mga pelikula, okey lang sa akin. Basta magustuhan nila kahit na natatakot sila,” sabi ni Marian.
Pareho ngang walang ka-date sina Marian at Dennis sa premiere night, dahil wala sina Dingdong Dantes at Pauleen Luna.

Sabi ni Marian, nag-start na raw mag-taping si Dingdong para sa Stairway To Heaven. Pero, dumalo naman ang buong pamilya ni Dingdong sa premiere night bilang suporta kay Marian.

“Pero, nangako siya na manonood kami ng Tarot na magkasama,” sambit ni Marian.

“Nagpapasalamat naman ako sa family niya kasi sinuportahan nila akong lahat. Hindi ko nga ini-expect na full force silang dumating. Sobrang na-touch ako sa ginawa nilang ito. Hinding-hindi ko ito malilimutan,” nakangiting pahayag pa ni Marian.

Si Dennis naman, gustuhin man niyang makasama si Pauleen sa gabing iyon, pero nasa taping pa raw ito ng Adik Sa 'Yo.

“Noong umalis ako ng taping, may mga kukunan pa sa kanyang mga eksena. Inimbitahan ko siyang pumunta pero siyempre, una muna ang trabaho. Naiintindihan ko naman iyon.

Nabigyan nga pala ng MTRCB ang Tarot ng PG-13 (Parental Guidance) rating kaya puwedeng manood ang mga kabataan, kasama ang kanilang mga magulang.

Source: Abante