|
|
| Marian, type mamundok ngayong 'Araw ng mga Puso'Author: Abante NGAYON ang Araw ng mga Puso, at siyempre kanya-kanyang pakulo na sa date ang mga lalaki, para sa kanilang mahal na asawa, o karelasyon. Anyway, narito ang ideya ng mga sikat na artista ngayon, sa kung ano ba ang ideal na Valentine's date para sa kanila. Gerald Anderson: “Noong birthday ni Kim (Chiu), dinala ko siya sa rooftop ng condo niya. Ngayon, iniisip ko pa kung anong perfect date. Feeling ko kasi, isa na 'yun sa masasabi kong perfect date.” Rufa Mae Quinto: “Gusto kong ma-surprise! 'Yung tipong pag-uwi mo, marami kang anything na surprise, 'yung may presentation, hindi lang 'yung gift.” Dingdong Dantes: “Nangyari ito dati, nag-dinner kami sa isang restaurant na malabo ang pangalan sa Laguna. Basta 'yung pangalan ng restaurant ay It's Ok! Part 2! Totoo, 'yun ang pangalan! Nag-drive lang kami. Hanap kami ng kahit anong makakainan, tapos, ops, mukhang interesting itong pangalan na ito ah? May binili lang kaming something sa Laguna. After that, diretso kami ng isang university sa Quezon City at umulan doon. Noong umulan, doon kami nagsasayaw sa ulan.” Nikki Bacolod: “I just want it to be simple. I love flowers so the guy should give me flowers on that day. Rose to be specific. One rose lang. I don't like bouquets. And I want it on a rooftop or at the beach!” Angelika dela Cruz: “Dinner and a movie. Lahat ng V-day namin ni Orion special, lagi kasing may surprise 'yun sa akin. Pinagluluto ako, tapos bed of roses ang gift. Naku madami nang pakulo si Hunny, nakakatuwa.” JC de Vera: “Perfect date? Para sa amin ni Rhian (Ramos)? Mahirap mag-isip eh, lalo na kapag wala kang oras. Pero kung magkaoras ako, mas maganda siguro 'yung nagta-travel. Pauleen Luna: “Ang ideal date ko is a simple dinner with my loved one or loved ones. Like this year I'm obviously not spending it with someone I'm with, but most probably, I will celebrate it with my best friend Ruby. Girl bonding.” Marian Rivera: “Kahit saaan basta kasama mo ang taong gusto mo. At saka, kahit naman hindi Valentine's basta kasama mo ang mahal mo, masaya ka na. Siguro lang, okey rin 'yung naka-view ako sa bundok na nakahiga lang ako. Wala lang, pinagmamasdan ko lang, 'yung tahimik lang.” Maja Salvador: “Alam niyo para sa akin, 'yung magandang pag-uusap lang, 'yung magiging maganda 'yung takbo ng conversation niyong dalawa, siguro over dinner, over looking. For me, that's a perfect date na.” Lovi Poe: “Perfect date for me is something unusual. I really don't know what, pero dahil nga unusual, I can't even think about it.” Isabel Oli: “Siguro 'yung kahit maglakad-lakad lang kami somewhere like sa beach or kahit sa soccer field, basta 'yung kayong dalawa lang. At alam mo naman na nakikinig siya sa akin. Perfect 'yun for me.” CHYNNA ORTALEZA: “A carefree day. A date where I do not have to think of rules or curfew. A date where I can enjoy my partner's company. Bonding for me is also very important.. Perfect conversations, great food and great company with a good purpose is my idea of a perfect date. It can be simple or well thought out. Dapat lang e talagang mahal ko ang kasama ko.” Iwa Moto: “Perfect date? Walang perfect, basta Valentine's day you have to be with the one you love.” JAKE CUENCA: “Kahit saan naman puwedeng maging perfect ang Valentine's day. Ang importante lang, ang kasama mo 'yung taong mahal mong talaga.” Source: Abante |