Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, ugat ng intriga?

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

UMUGONG ang problema sa billing nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera para sa festival entry ng Regal Films na Desperadas 2.

Kay Marian at sa manager nitong si Popoy Caritativo nasentro ang diumano'y pinagmulan ng intriga.

Ang demand daw ni Marian at manager niya ay lagyan ng “and” bago ang pangalan ni Marian. Bagay na inayawan ng mga managers ng tatlong aktres dahil wala pa kung achievements at seniority sa showbiz ang pag-uusapan, di hamak na mas lamang ang tatlong girls kesa sa kanya, huh!
Pero, pinabulaanan ng manager ni Marian sa taong malapit sa kanya na nag-iinarte siya sa billing ng alaga! Pabor daw silang si Ogie Alcasid na kasama sa cast ang lagyan ng “and” at kung ano ang billing sa Despe­radas 1, 'yon na lang ang ulitin!

Plano na nga sana ni Mother Lily na sa pag­labas ng print ad ng Desperadas 2, walang mga pangalan ang artista niya kundi pictures lang!

Eh, nu'ng presscon ng movie, napansin ng press na walang backdrop na poster lay out ng pelikula. Resulta 'yon ng intriga dahil sa billing ng movie.

Nagpahayag na si Ruffa na walang isyu sa kanya ang billing basta lang name niya ang una sa lahat, at ayon kay direk Manny Valera, same billing last year ang ilalabas at si Ogie ang may “and” dahil nga sa kakaibang role niya sa movie.

So that settles the billing isyu sa Desperadas 2.

Tinapos na din ni Marian ang dubbing niya bago siya lumipad patungong Amerika for a show this Friday with Dingdong Dantes.

Kaya bago umalis kahapon si Mother Lily para manood ng Pacquiao-dela Hoya bout, tahimik na siyang makakatulog sa eroplano na publicity at promotions na lang ng Desperadas 2 ang gagawin pagbalik next week.
***

Hindi man kasing-bongga ang thanksgiving and Christmas party para sa press ni Paolo Bediones kumpara kay Dingdong Dantes, kuntento na rin ang mga dumalo dahil nakipagsaya sa kanila ang castaways ng Survivor Philippines, pabuloso pa ang mga papremyo at walang umuwing luhaan!

Ten years na kasi si Paolo sa showbiz bilang host. Akmang-akma sa kanya ang show niyang Survivor dahil survivor talaga siya sa intrigang dinaanan niya bago marating ang status ngayon.

Bilang bahagi ng kanyang pasasalamat, maglalabas siya ng book next year titled Hosting 101: A Hosting Manual at magku-conduct ng hosting seminars and workshops para sa mga aspirants.

Natatandaan pa namin si Paolo nang una naming ma-meet bilang bagong hosts ng dating S Files. Tahimik lang at matipid sumagot. Iwas din siyang matanong sa pagiging Marcos niya, huh!

How time flies! Heto't madaldal na siya. Anything under the sun, kaya niyang sagutin kahit sa lovelife. Maging ang naging problema niya sa business, matatag na rin siya sa mga batikos sa kanya.

“But I have to settle everything first bago ako pumasok ng bagong business. Wala man akong kasalanan sa nangyari, still, ako ang kilala, kaya mas mabuting ayusin ko na lang 'yon,” paha­yag ni Paolo in between ng pa-raffle niya.

Sa lovelife naman, wala pa siyang balak pa­kasal sa girlfriend na beauty queen. Marami pa raw siyang gustong gawin at naiintindihan naman daw ito ng syota niya.

Although mas kilala siya bilang hosts, tuloy pa rin siya sa dream niyang umarte gaya ng ginawa niya sa Walang Kapalit at sa movie ni Bong Revilla.
Naging part din ng thanksgiving party ni Paolo ang sponsors niyang McDonald's, Radox Shower gels and Smoothie Body washes, Versio Dual SIM Phones, Create, Create, celebrate, MOS and My own Space and Adidas.

Abangan din ang na­titirang episodes ng Survivor Philippines na super-hataw talaga sa ratings mula nang umere sa GMA 7 pati ang musical especial na inihahanda showcasing the other side of Paolo Bediones!

Source: Abante