|
|
| Marian, umaming mahal si DingdongAuthor: Ian F. Farinas DAVAO CITY -- "Maging happy kami forever. Hindi kami mag-away, may problema man, maayos agad. Mas maganda 'yung smooth lahat, mas masaya. Hindi naman kami nag-aaway nu'n, eh. Tampuhan na arte-arte lang, pero 'yung sabihin mong away na literal, never talaga, wala talaga. " Ito ang belated birthday wish ni Marian Rivera para sa kanila ng rumored boyfriend na si Dingdong Dantes, na ang birthday special, Dantes Peak, na kinunan noong Sabado ng gabi ay ipalalabas sa GMA Network sa Linggo, August 30. Pinag-uusapan ang nasabing birthday special, hindi lamang dahil sa kalakihan at kapormalan ng okasyon, kundi sa pagdalo ni Marian at pakikipaghalikan nito kay Dingdong sa stage. Maging ang post-birthday party sa Imperial Palace Suites na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para sa female lead ng Regal movie na Tarot (opening na bukas, Aug. 26), pinag-usapan din dahil sa pagsipot ng special guest na si Dingdong, pag-i-smack ng dalawang beses, pagiging super sweet at walang patumanggang paghu-holding hands ng dating magkapareha. Sabi nga ng iba, Marian and Dingdong's actions spoke louder than words. Kitang-kita raw sa kilos nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Ang ilan, tinawag pang "public display of affection" ang ka-sweet-an ng dalawa. Pero para kay Marian, hindi 'yon matatawag na PDA nang PDA "dahil ang PDA nang PDA, eh, talagang wala nang ginawa kundi maghawakan, maghalikan. " Paglilinaw pa ng bida ng Darna nang makatsika namin sa Kapuso Kadayawan Festival nu'ng Linggo, nu'ng taping ng Dantes Peak, pagkatapos ng number nila, nagkita lang sila ni Dingdong nu'ng tapos na ang palabas. Nu'ng party naman daw niya sa Imperial, "Well, siyempre, nu'ng una siyang dumating, nag-kiss siya. Tapos, nu'ng umalis siya, nag-kiss uli siya. "Oo naman, holding hands kaming umalis. Wala naman sigurong masama kapag..." at matagal-tagal siyang natigilan na parang naghahanap ng tamang salita, "wala naman sigurong masama sa pagiging masaya at hanggang wala naman akong naaagrabyadong tao at alam ko sa sarili ko na happy lang kami at lahat sa paligid namin, eh, natutuwa kung ano ang nakikita nila, wala naman sigurong masama roon. " Matatawag ba niyang expression of love 'yon? Salo ni Marian, "Oo naman. Siguro hindi mo naman iki-kiss 'yung tao kung walang love. " Eh, ano ang masasabi niya sa hula na magbubuntis siya in the near future? "Ganun? Naku, ang mga hula, mahirap sabihing, 'ay, hindi,' mahirap sabihing, 'ay, oo. ' Kasi depende pa rin 'yan sa desisyon ko kung ano ang magiging gusto ko sa buhay ko. Kung sakali mang hindi, eh, 'di, nagkamali sila, kung sakali mang gustuhin ko, eh, desisyon ko 'yon sa buhay ko," sey niya. Hirit namin, "So, hindi aksidente 'yon kung sakaling mangyayari?" Tugon ni Marian, "Hindi siguro. 'Pag ginusto ko, ginusto ko 'yon, 'di ba? Naniniwala akong ganu'n, eh. " Wala rin siyang nakikitang masama sa pagiging "sweet" at "super close" nila ni Dingdong. Naniniwala si Marian na hindi ito makakaapekto sa Darna, na maging dito pala sa Davao (GMA TV 5), numero uno sa ratings game. "Wala. At saka ito lang 'yon, eh. Paano makakaapekto si Dingdong sa Darna, ang Darna, eh, alam ng tao na may kanya-kanya kaming karakter dito? Although kasama ko rito si Mark Anthony (Fernandez), hindi naman ibig sabihin nu'n sa totoong buhay dadalhin namin 'yon. Iba ang trabaho sa personal na buhay. " Hindi rin siya naniniwalang makasisira siya sa nalalapit na teleserye ni Dingdong, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven, kasama si Rhian Ramos. "Iba naman din sila, nagpo-promote naman sila, na maayos sila, at hindi naman ako pumupunta sa set para manggulo, nagpapa-interview ng...wala naman akong ginagawa at lagi kong sinasabi, susuportahan ko si Dong kung saan siya magiging successful. " Si Rhian, susuportahan niya rin? "Hindi ko kasi kilala si Rhian. Ayaw kong magpakaplastik na, 'ay, susuportahan ko si Rhian,' kasi hindi ko siya kilala, eh. 'Di ko siya kilala nang personal at hindi pa kami nakakapag-usap. Basta ako, para kay Dingdong, susuportahan ko siya. " Ngayon pa lang, sinisiguro na rin ng aktres na hinding-hindi siya maaapektuhan ng pakikipagpareha ni Dingdong kay Rhian. "Wala. At walang ibinibigay si Dingdong na dahilan sa akin para ma-insecure ako o magselos ako. Wala. " Kahapon, Lunes, daw nag-umpisang mag-taping sina Dong at Rhian para sa Stairway. .. Dagdag na sey pa niya, "Meron siyang movie yata, pero siya na lang ang magsabi. Si Rhian pa rin ang partner niya sa GMA Films. Siya na lang, baka sabihin niya, pinangungunahan ko siya sa pagpo-promote. " Tungkol naman sa muli nilang pagsasama sa TV man o sa pelikula, ang sabi ni Marian, "Itong Darna, ang layo pa ng tatakbuhin. Siya, may Stairway..., ganu'n din. Ganu'n muna, kanya-kanya muna. " Samantala, ilang colleague ang nagsabi na nakita nilang pinagkakaguluhan ng fans sa Marco Polo Hotel lobby si Dingdong matapos ang interview namin kay Marian. Sa Marco Polo rin naka-billet ang grupo ng Darna nina Marian, Mark Anthony, Iwa Moto at Buboy Villar, maging ang Manila-based entertainment press na isinama ng Kapuso Network para sa coverage ng Kadayawan Festival celebration. Apparently, nagtungo rin dito ang actor, hindi nga lang masiguro kung may promo stint ito para sa isang endorsement o sadyang sumunod lang para makasama ang rumored girlfriend. Source: People's Tonight |