Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, walang dapat ihingi ng sorry

Author: Vir Gonzales
Column: All The Way

Sa totoo, lang walang dapat ihingi ng sorry si Marian Rivera sa kanyang mga detractors. Hindi niya kasalanan kung sakaling nagkagustuhan sila ni Dingdong Dantes na kapareha niya ulit ngayon sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ng GMA-7.

Normal lang naman sa artista na minsa'y wala sa mood dahil pagod. Wala namang perpekto talaga dahil tayo'y mga tao lamang.

* * *

Gulat ang mga staff ng Tayong Dalawa noong kunan ang isang matinding eksena nina Cherry Pie Picache at Gerald Anderson.

Sa totoo lang, hindi nagpatalbog sa naturang eksena si Gerald. Nakipagsabayan siya kay Cherry Pie. In fact, napatingin at napabilib niya si Gina Pareño na napanood ang particular scene.

Napupuri ni Direk Ruel Bayani at Trina Dayrit ang binata dahil sa kagalingang ipinakita nito. Hindi raw nagkamali si Deo Endrinal sa pagpili kay Gerard para sa papel bilang David Garcia Jr.

* * *

Malayo man ang Subic Zambales, may mga red roses pa ring dumating para kay Rochelle Pangilinan mula sa kaparehang si John Lopez sa Daisy Siete para sa Tarzariray.

Nanunuyo si John dahil ngayon lang niya nakapareha si Rochelle.

* * *

SUPORTADO ni Kuya Germs si Fredmoore delos Santos na bida sa The Makati Mayor Jejomar Binay Story. Dating taga-Thats Entertainment si Fredmoore.

Si Cyril Lorenzana ang direktor ng pelikula ni Freedmore.

* * *

May mga nanghihinayang sa pagbabagong katau-han ni Rustom Padilla na ngayon ay kilala na bilang BB Gandanghari.

Hinangaan raw nila si Rustom bilang action star, tapos ngayon ay nagladlad na nang sobra.

Sino kayang nagtulak kay BB para magpaka-girl?

* * *

Dapat lang talagang parangalan si Charice Pempengco ng Malacañang dahil sa hatid nitong karangalan sa bansa.

Si Charice ay naging bisita sa pre-inauguration ng first African-American President na si Barrack Obama sa Washington.

Sinong Pilipino na ba ang naimbitahan du'n? Wala, 'di ba? Kahit nga politicians natin, 'di rin naiimbitahan do'n, 'no.

Imagine,napaiyak ng ABS CBN talent ang mga Kano na dating umaalipin lang sa atin?

For clarification, hindi si Oprah ang nagrekomenda kay Charice sa inaguration. Tumulong sa kanya sina US lawyer Michael Gurfinkel at wife na si Mellie.

Source: People's Tonight