Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian, walang dapat ika-insecure kay Rhian!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

POGING-POGI at sariwang-sariwa ang da­ting ngayon ni Dingdong Dantes sa papel niyang Cholo sa GMA adaptation ng Stairway To Heaven.

Pormal-pormalan kasi ang suot niyang mga coats at suits na bumagay naman sa kanya dahil sa tangkad niya.

Naging mahirap nga lang para kay Dong ang gampanan ang role ni Cholo dahil sa expectations ng tao sa acting niya.

“Naging successful 'yung Koreanovela. Tapos, bago pa ang partner ko na first time kong nakatrabaho. At the same time, 'yung material itself, hindi madaling gawin. Walang masyadong physical requirements pero emotionally taxing,” sabi ni Dong.

Eh, kumusta namang kapareha si Rhian?

“Very professional. U­nang taping pa lang namin, talagang nakita ko na 'yung character sa kanya. Malaking bagay ang workshops at nakatulong 'yon. Ang ganda! Very positive ang vibes,” kuwento ng aktor.

Eh, ang kissing scene nila ni Rhian?

“Well, very mild naman 'yon. Kinailangan 'yon sa istorya at sa panahong 'yon,” sambit niya.

Wala ba silang wild kissing scene?

“Sa tingin ko, sa istor­yang ito, wala. Very tender ang pagmamahal niya at pati 'yung personality ni Cholo at ni Jodi, kumbaga, nagsimula ang love story nila nu'ng kabataan nila...” sey pa ni Dong.

So, hindi kayang talbugan 'yung naging kissing scene nila ni Marian (Rivera)?

“Sa tingin ko, iba naman 'yon. Saka iba 'yung level of love na ginawa namin doon,” ani Dingdong.

Pero ngayon pa lang, ginagawan na ng intriga sina Marian at Rhian.

“Well, hindi mo maiiwasang magkaroon ng intriga. Sa umpisa magkakaroon ng ganyan pero later on, makikita talaga nila ang dahilan kung bakit si Rhian ang gaganap na Jodi. As individuals, respectable naman sila,” katwiran ni Dingdong.

So, hindi siya naniniwalang nag-isnaban ang dalawa sa taping ng Show Me Da Manny?

“I don't have reason to believe that. Walang dahilan para gawin nila 'yon. Wala akong nakikitang panahon para magkaroon ng dahilan na mangyayari 'yon.”

So, walang dahilan para ma-insecure si Marian kay Rhian?

“Oo! Saka dapat walang pagkakataon na ganoon!” tugon niya.

Teka nga pala, may history siya na nai-inlove sa mga leading ladies niya gaya nina Karylle, Marian at noon ding sila ni Antoinette Taus.

“Well, nakikita ngayon 'yung sitwasyong ganoon. Resulta siguro 'yon ng nangyayari sa taping o maybe after. Pero kung titingnan mong mabuti, depende kung saan ang focus ko. Nu'ng panahon na 'yon, hindi ako masyadong focus sa ginagawa ko! At sa nangyayari pagkatapos! Ha! Ha! Ha!

“Ngayon, klaro ang focus ko, ang mapaganda ang Stairway to Heaven,” paliwanag ng actor.

May physical attraction ba sa kanya si Rhian?

“I admire the way she carries herself. Mula nang makilala ko siya hanggang ngayon, hindi pa rin nababago ang tingin ko sa kanya. Sa pagdala ng kanyang katawan, figure. Parang she glides with the way she walks,” katwiran niya.

Sa unang episodes, mukhang in love na in love sa kanya si Rhian, huh!

“Sa isa't isa! Ha! Ha! Ha!” iwas niya.

Pero loveless siya, 'di ba?

“Ha! Ha! Ha! It's nice to be inspired if you know the feeling,” sagot niya.
Pero nagkikita pa sila ni Marian?

“Lately, medyo hindi. Sobrang busy. But we make it a point na may communication at maganda 'yung pagkikita.”

Kumusta na pala 'yung sports car niya?

“Okey naman. Ayos naman. Bakit, ano ang meron sa sports car? Ha! Ha!

Ha! Hindi regalo sa akin 'yon. Matagal na po sa akin 'yon. Ha! Ha! Ha!”

natatawang sabi na lang ni Dingdong.

Source: Abante