Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Marian-Dingdong fans, may bagong reklamo

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

MAY bagong reklamo ang fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pagkatapos daw magpaka-sweet ng actor kay Marian sa promo ng Dyesebel last Sunday, nakita ito sa isang birthday party na sweet na sweet sa nobyang si Karylle.

Okey lang sa supporters ng loveteam na sweet ang dalawa't may relasyon naman talaga sila. Ang hindi nila ma-take, ang fans pa raw nina Dingdong at Karylle ang nag-post ng picture ng dalawa sa Internet na para bang gustong ipakita sa fans nina Dingdong at Marian kung ano ang totoo.

Dapat, wala ng ganitong isyu lalo't tanggap ang loveteam nina Marian at Dingdong kahit may iba-iba silang pag-ibig.

Ang importante, hindi pinababayaan ng dalawa ang kanilang trabaho at patunay ang mataas na rating ng Dyesebel.

* * *

TULUY-TULOY ang rehearsal nina Rubirubi at ng Boyz. Com para sa May 16, show nila sa Metro Bar West Avenue billed Rubirubi@Boyz. Com 2.

Nang magawi kami sa DMV Entertainment office noong isang araw, katatapos lang mag-praktis nina Gabb Drilon at Alwyn Uytingco. Nakita rin namin ang voice coach nilang si Tony Carpio.

Guests nina Rubirubi at Boyz. Com sina Rufa Mae Quinto, Jan Nieto (ka-duet ni Rubirubi) at FHM Cover Girl Hazel Ann Mendoza.

The show is for the benefit of the Quezon City Chamber of Commerce. For ticket inquiries, call DMV Entertainment, Inc. at 415-0373/374-1361 or text 0917-4532427; Metro Bar, 412-6514/374-7505; Ticketnet 911-5555; at Ticketworld 891-5610.

Sayang at hindi namin nakita sa rehearsal si Polo Ravales, uusisain sana namin ito kung totoong uminit ang ulo niya nang tanungin tungkol sa pagkakaroon ng crush ni Luis Alandy kay Jean Garcia.

Kahit maganda ang paliwanag na hindi siya nagseselos at natural lang kay Luis ang magkagusto kay Jean dahil sexy at maganda ang actress, iba pa rin ang facial expression ni Polo.

Pilit ang ngiti at halatang hindi natuwa. Mabuti na lang at naka-sunglasses, kaya hindi nakita kung pati mga mata'y galit.

* * *

NAPAAGA ang pagbabalik-'Pinas ni Jacky Woo, dahil sa halip na sa May 20, sa May 6, na siya darating para pumirma ng kontrata sa Nuts Entertainment at aalis din agad.

Pero, babalik siya sa May 20 at up to May 25 siya rito, para sa May 22 taping niya for the said show.

Kasama rin siya ng whole cast sa launching ng Pinoy TV sa Hong Kong at sa taping ng Nuts Entertainment pa rin sa Macau para sa Independence Day celebration in June.

Bagay si Jacky sa show, dahil in real life, komikero ito.

Magiging regular din siya sa isa pang show na bawal pang pangalanan kung ano at baka 'di matuloy ang pagpirma niya ng kontrata kung maagang magli-leak sa media.

* * *

HINDI na si Pia Guanio, kundi si Rovilson Fernandez ang host ng Sunday show ng Q-11 na Ang Pinaka.

Kung dati'y nakikita siyang sumusubok sa kung anu-anong extreme sports o physical challenges sa TV, ngayon, kakaibang pagsubok ang haharapin ng TV host.

Siya na ang host ng show starting today, May 4, na ang bida'y iba't ibang paborito ng Pinoy, gaya ng idolo, pagkain, lugar, bagay, trivia at marami pang iba.

Pagdating niya sa programa, marami pang bago at kakaibang listahang Pinoy siyang ipakikita.

Tiniyak din nitong ang lahat ng ranking na ipakikita ng Ang Pinaka ay base sa pag-aaral ng mga eksperto sa iba't ibang sining.

* * *

KARAGDAGANG pasasalamat sa mga sumusunod sa kanilang pagtulong sa amin: June Torrejon, Albert Martinez, Shirley Kuan, PAMI, Manny Valera, Direk Joel Lamangan, Bearwin Meily, Louie Heredia, Jean Garcia, Jennica Garcia, LJ Reyes and mom Lalaine Pujeda, Wyngard Tracy at Jo-Ann Maglipon.

Maraming, maraming salamat sa inyong lahat! Masayang lumisan ang aming kapatid, si Adelita Miralles, sa edad na 64 noong Biyernes ng hapon, dahil kahit hindi niya mga personal na kilala ay naghandog ng tulong sa kanya.

Again, ang aming pasasalamat sa mga tumulong.

Source: People's Tonight