|
|
| Marian-Dingdong, kinasal ulit!![]() Author: Ruel Mendoza ILANG weeks na lang at magwawakas na ang primetime soap drama nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nakunan na nga ang ilang eksena para sa isang malaking wedding scene nila ni Dingdong. “Big scene lahat ng kinukunan namin para sa show. Nakakalungkot nga at kailangan na ring matapos ang show. “Pero huwag silang mag-alala dahil magkakaroon naman ako ng bagong show. Magpapahi- nga lang ako pero pag-uusapan na rin namin iyon soon,” sabi ni Marian. Inaamin naman ni Marian na hindi kasing-taas ng rating ng mga nagdaan nilang soap drama ni Dingdong tulad ng Marimar at Dyesebel ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Pero nagpapasalamat pa rin si Marian dahil nasubukan niyang magkaroon ng kakaibang role at pinagmamalaki niya ang pagganap niya bilang si Proserfina. “Ayokong magkunwari na hindi ako apek- tado sa hindi kataasang rating ng show namin ni Dingdong. Tanggap naman namin na hindi kami parating puwedeng maging number one. “Never naman namin kine-claim na kami ang top na loveteam, 'di ba? Lahat naman ng ito ay trial and error. “Kung okey, ituloy. Kung hindi, better luck next time. Gano'n naman lahat, eh. “Pero ang pagganap ko as Proserfina, isa ito sa mga maipagmamalaki ko, kasi iba siya at talagang ang dami kong paghihirap sa role na ito. “Kaya in a way, successful ako sa pagganap as Proserfina,” pahayag ni Marian. May nakapagsabi nga na baka si Marian na ang gaganap na Darna sa muling pagbabalik nito via Captain Barbell Meets Darna. Pero ngumiti lang si Marian at sinabing wala pa siyang alam tungkol sa next solo project niya. Source: Abante |