|
|
| Marian-Dingdong, mabilisan ang lips to lips![]() Author: Abante NAGING very emotional ang pagpapaalam ng buong cast ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa SOP noong Linggo. Nagkaiyakan ang buong cast, lalo na ang dalawang bida na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Marami ang kinilig at nakiiyak sa dalawa, lalo na ang mga fans. Nakausap namin si Dingdong sa SOP after ng farewell nila, at tahasan niyang sinabi on national TV na mahal niya ang dalaga at gayundin si Marian sa kanya. Sabay pagpapaunlak sa udyok mismo ni Ogie Alcasid ng kiss. Instead na sa pisngi lang ay nag-lips-to-lips ng mabilis ang dalawa. Tuloy, marami ang nagsasabi kung hindi pa raw ba tahasang pag-amin na 'yun mula sa kanilang dalawa. Tanong namin kay Dingdong, 'yun na nga ba ang way ng pag-amin nila sa kanilang relasyon ni Marian? “No! Hindi lang naman ngayon nangyari 'yung ganoong bagay. Kahit naman noon pa, kahit na i-review pa nila ang ibang guesting namin ni Marian, ganoon na talaga kami sa isa't-isa, wala namang bago ru'n. “Siguro, naging very emotional lang dahil kasabay nito ang farewell ng Tadyang.” Tahasan niyang sinabing mahal na mahal niya si Marian. “O, wala naman akong nakikitang masama sa bagay na 'yun. Kahit naman sino, basta mahalaga sa akin, kaya kong sabihan ng mahal ko,” nangingiti pa niyang sabi. Ano nga ba ang pinakamami-miss niya kay Marian? “I think, lahat, lahat-lahat ng meron siya, kung ano siya, 'yun ang pinakamami-miss ko sa kanya.” Source: Abante |