|
|
| Marianne, nakapag-asawa ng milyonaryo sa TateAuthor: Mercy Lejarde Heard from our good friend Gomer Celestial na dumating sa ating last December 1, ang dating aktres na isa sa may pinakama-gandang mukha sa showbiz noon na si Marianne de la Riva ay nakapag-asawa na raw ng isang milyonaryo sa Tate. Magni-ninang daw ito sa kasal ng anak nina Hilda Koronel at ng yumaong aktor na si Jay Ilagan at sa Tagaytay daw gaganapin ang kasalan. Well, how soon time flies. Sayang nga lang at hindi na inabot ni Jay ang wedding ng anak nila ni Hilda na isa rin sa may pinakamagandang mukha sa showbiz noon. And speaking of Jay Ilagan, sa panga-lawang preskon ng Maverick Films para sa Magkaibigan ay natanong ni yours truly si Boyet de Leon kung naramdaman din ba niya yung na-feel ni Sen. Jinggoy nu'ng mamatay ang best friend nitong si Rudy Fernandez. "Yeah. Malaking kalungkutan yung naram-daman ko nu'ng nawala si Jay. Alam mo idolo ko yan, eh. "Idolo ko yan nu'ng bata pa ako at bata pa rin naman siya noon but he is ahead of me more than a decade sa showbiz. Child actor pa lang yan pinapanood ko na. "Actually sa Bananas sitcom namin noon siya yung isa sa pinaka-closest friends ko. And he is such a great lost for the movie industry because I think Jay Ilagan is the best actor during his time," pagre-recall ni Boyet. And take note, ikinumpara pa ni Boyet sa wife ni Jay na si Hilda Koronel ang co-star nila sa Kahit Isang Saglit na si Cristine Re-yes nu'ng thanksgi-ving ng nasabing teleserye na ma-tatapos na sa December 12. * * * Maluwalhating nairaos ni Ka-rylle ang pag-kanta ng Lu-pang Hinirang sa Pacquiao-dela Hoya fight kahit na tipong may konting nerbiyos sa tono nito. Ang ganda ni Karylle habang kumakanta, huh! Tiyak na habang pinapa-nood ni Dingdong Dantes ang kanyang ex-girlfriend ay proud na proud pa rin ito. Win si Pacquiao sa ika-9th round. Nadagdagan na naman ang kaban ng kanyang kayamanan. Some guys have all the luck, really. Congrats Pacman! * * * Sina participantes Jomy, Jose at LJ Moreno ang idinaan sa 4th elimination round. Matutunghanyan ngayong Lunes ng gabi kung sinex sa kanila ang matsutsugi sa Pinoy Fear Factor hosted by Ryan Agoncilo sa primetime bida ng Dos. Source: People's Tonight |