|
|
| Maricar Reyes appears on ASAP '09 weeks after Hayden's controversial videos came out![]() Author: Nerisa Almo Napanood kanina, June 21, ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP '09 ang masasabing kauna-unahang paglabas sa publiko ng baguhang aktres na si Maricar Reyes, ilang linggo matapos ang pagputok ng mainit na kontrobersiya sa mga sex videos ng celebrity doctor na si Hayden Kho. Kasama si Maricar sa grupo ng mga Star Magic talents na lumahok sa isang maikling fashion show sa nasabing afternoon variety program. Ilang beses siyang nasipat ng camera habang kumakanta ang mga kilalang singers ng Star Magic ng "Believe" ni Yolanda Adams, bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa talent arm ng Kapamilya network sa loob ng 17 taon. Matatandaan na bukod sa aktres na si Katrina Halili, nabalita rin na mayroon halos 40 controversial videos si Hayden sa iba't ibang babae. Kabilang na nga sa mga kinilala ay ang doctor turned actress na si Maricar. Kung si Katrina ay naging matapang sa kanyang paglabas laban kay Hayden, nanatili namang tahimik at wala ni isang panayam kay Maricar ukol sa isyu ang lumabas. Unang nakita si Maricar sa publiko dahil sa kanyang mga TV commercials para sa ilang major products. Naipakita naman niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte sa unang pagkakataon sa natapos na primetime show nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, I Love Betty La Fea. Gumanap siya rito bilang Candy, ang first love ni Armando (John Lloyd). Matapos ang naturang show, napasama naman ang 24-year-old na si Maricar sa afternoon TV series na Precious Hearts Romance Presents Bud Brothers. Gaganap siya rito bilang Sandy, ang magiging kapareha ng aktor na si Ahron Villena. Bago maging artista, ang Ateneo B.S. Biology graduate ay nag-practice ng kanyang propesyon bilang isang doktor. Sinasabi na nagkaroon umano sila ng relasyon ni Hayden noong sila ay nasa medical school pa. AFTER THE CONTROVERSIAL VIDEOS. Dahil na rin sa walang lumalabas na balita sa kanya kasunod ng paglabas ng isyu kaugnay sa video scandal ni Hayden, maraming usap-usapan ang lumabas tungkol kay Maricar. Isa na rito ang plano umano niyang umalis ng bansa at manirahan na lamang sa States. Sanhi umano ito ng kanyang matinding depression matapos lumabas ang mga video. Pinabulaanan ang plano niyang mag-migrate ng kasamahan niya sa Bud Brothers na si Guji Lorenzana nang makapanayam siya ng PEP kamakailan (Click here to read related article.) Gayundin, ang paglabas ni Maricar kanina sa ASAP '09 ay isang patunay na mali ang mga masasamang balitang lumabas tungkol sa kanya. Marahil ang pagiging tahimik ay ang kanyang paraan upang harapin ang kontrobersiyal na isyu. May nakapagsabi rin sa PEP na maaring ito rin ang payo kay Maricar ng Star Magic, ang kasalukuyang namamahala sa kanyang showbiz career. Sa ngayon, nananatiling nakaantabay hindi lamang ang PEP, pati na rin ang publiko, kung ano ang mga susunod na hakbang ni Maricar tungkol sa isyu ng mga controversial videos ni Hayden Kho. Source: Philippine Entertainment Portal |