Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maricar Reyes, buntis?

Maricar Reyes, buntis?

Author: Abante

Patuloy na dumarami ang mga nagkakainteres kay Maricar Reyes. Katunayan, marami na ang patuloy na tumututok sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal (tuwing Linggo sa ABS-CBN).

Sabi nga, mula raw nang umere ito ay hindi na ito matinag sa pangu­nguna sa Sunday afternoon slot ratings, ayon sa Taylor Nelscon Sofres survey results.

Ang kwento ng Gaano Kita Kamahal ay tumatalakay sa iba't ibang aspeto at anggulo ng buhay, kaya naman lalong nagi­ging inte­resado ang mga viewers.

At sa pag-usad ng istorya, mga 'di inaasa­hang pangyayari ang magaganap sa buhay nina Obet (Sid Lucero), Amy (Maricar Reyes) at Carmela (Jodi Sta. Maria).

Magpapaalam na si Obet Kay Amy, ngunit sa kanilang paghihiwalay, mabubuking na ang kanilang relasyon ni Carmela. Samantala, malalaman na ni Amy na buntis pala siya.

Paano haharapin ni Carmela ang masakit na katotohanan? Ipaaalam ba ni Amy kay Obet na nagdadalang-tao siya? 'Yan ang dapat niyong ala­min.

Source: Abante