|
|
| Maricar Reyes, umani ng respeto![]() Author: Abante UMANI ng respeto si Maricar Reyes, na hindi nagpatalo sa iskandalong kinasangkutan niya kay Hayden Kho. Matapos nga niyang manahimik ng mahabang panahon tungkol sa iskandalo kay Hayden, at ituon ang isip at puso sa pagtatrabaho, lumantad siya sa libu-libong tao para tumulong sa mga biktima ni Ondoy. Narito ang ilan sa mga emails na natanggap namin mula sa mga readers ng Abante: “Tama ang ginagawa ni Maricar, na lumapit siya sa mga biktima ni Ondoy, at nagbigay ng tulong. Hindi siya nagpatalo sa takot na baka bastusin siya...”—Reynaldo Sastre (rey45_sastre@yahoo.com.) “Winner na winner si Maricar, dahil lumabas ang pagiging matalino niyang tao. Instead na magmukmok, mas ginusto niyang tumulong sa mga victims ni Ondoy. Lalo akong humanga sa kanya. Dapat siyang respetuhin...” - fellietubbies_cayanan@yahoo.com). “I respect her dahil sa ginawa niyang pagtulong sa mga biktima ni Ondoy. Nabura ang image na nabuo sa isip ko dahil sa scandal nila ni Hayden...” - rene_c34@yahoo.com). “Feel na feel ko ang sincerity ni Maricar sa ginawa niyang pagtulong sa mga Ondoy victims. Kinalimutan niya ang sarili niyang problema, at inintindi ang problema ng iba. With that, sobrang taas ng respect ko sa kanya...” - cheche_pacific@yahoo.com)*** Well, marami pang emails ang dumating sa amin, na dahil sa kakulangan ng space ay hindi na namin mailalagay lahat. Anyway, si Maricar ang karibal ni KC Concepcion sa puso ni Piolo Pascual sa Lovers in Paris ng ABS CBN. Source: Abante |