|
|
| Maricar grateful sa ABS-CBN kahit nasangkot sa sex scandal![]() Author: Dominic Rea Matagal na palang plantsado ang isang teleseryeng pagsasamahang muli nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa ABS-CBN. May bagong nilulutong teleserye na bida ulit ang hottest loveteam ng Dos at makakasama nila si Kris Aquino. Si Kris mismo ang nagbuking nito last Sunday sa The Buzz at ayon kay Gerald,wala pa talaga si-yang alam sa naturang project at since nabanggit na raw ni Kris, sobrang excited siya. Sa November ang tentative playdate ng bagong teleserye, sa direksiyon ni Joel Bayani. * * * Matagal-tagal naming hindi nakatsikahan si Imelda Papin simula ng maging busy ito sa political career sa Camarines Sur. Nang mag-guest si Imelda sa ASAP ay sinamantala namin na kunan siya ng reaksiyon kung ano ang kanyang mga plano sa Camarines Sur ngayong papa-lapit na ang 2010 elections. Diretsahan namang ina-min ng beteranang singer na hindi muna siya kakandidato sa 2010, hindi dahil napagod na siya kungdo gusto niya lang daw munang magpahinga. * * * Kahit hindi raw visible sa telebisyon ang kauna-una-hang PBB grand winner na si Nene Tamayo ay sinabi naman nitong she's very happy na rin sa kanyang showbiz career. Marami pa rin daw raket si Nene tulad ng stage plays sa mga teatro at malls. Ang mahalaga diumano ay hindi siya nawawalan ng raket tulad ngayong muling magbubukas ang PBB sa October 4 sa Channel 2. * * * Nakasalubong na-min sa lobby ng ABS-CBN si Maricar Reyes at hindi pa rin nito natatanggal ang ugaling laging nakayuko kapag naglalakad. Bineso namin si Maricar sabay sabing tama lang ang kanyang naging desisyong manahimik nu'ng kasagsagan ng sex video scandal niya with Hayden Kho. Walang ibang sinambit sa amin ang magaling na aktres kundi ang walang katapusang pasasalamat sa lahat ng press na patuloy ng pagsuporta sa kanya. Ganoon din daw ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network. * * * Ang haba-haba ng aming interview kay Tito Boy Abunda sa dressing room niya sa The Buzz. Ipinagtanggaol kasi siya ni Kris Aquino tungkol sa P25 million na diumano ay tinanggap ni Tito Boy mula kay Sen. Manny Villar para ikampanya ang huli ngayong 2010 elections. Depensa ng TV host/manager, kung ipinagtanggol man siya ni Kris ay dahil alam ni Kristeta ang totoo ukol sa naturang isyu. In other words, ayon kay Tito Boy, wala siyang natatanggap ni piso o P25 million. Sinabi rin ni Tito Boy na 11 years na niyang kaibigan at kakilala Sen. Villar at isa itong desenteng tao, beautiful at good person daw ito kaya hindi siya naniniwalang ang kampo ni Villar ang may pakana ng tsika. Hindi rin daw dapat pag-isipan ng masama kung magbibigay siya ng 100% tulong sa kandidatura ni Noynoy Aquino sa 2010 elections. Diretsahang sinabi ni Tito Boy na, "Aquino na lang ang kulang sa aking apelyido. " Parehong mahal at nire-respeto ni Tito Boy ang da-lawang kampo at aminado siyang na-offend siya sa paglutang ng balitang ito. Daig pa raw niya ang sinampal pero nauunawaan ni Tito Boy kasi ganito raw talaga ang kalakaran kapag may eleksiyon. Source: Taliba |