|
|
| Maricar, gustong pilahan ng ABS-CBN directors![]() Author: Leo M. Bukas Hindi maitago ni Gerald Anderson, ang kanyang pagka-miss sa kanyang high-rating serye tuwing Sabado, ang Tiagong Akyat na ang huling episode ay mapapanood sa Sabado. "I'll definitely miss my character as Tiagong Akyat. Ang dami ko kasing natutunan from the series. Marami akong first time na nagawa dahil sa Tiagong Akyat. Jumping off a building is one of my unforgettable stunts ever. " Sa nalalapit na pagtatapos ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Tiagong Akyat marami pang mga maaaksyong eksena ang dapat antabayanan. Kasama rin sa cast ng serye si Jason Abalos. After Tiagong Akyat, papalitan naman ito ng Pepeng Agimat na pagbibidahan ni Jolo Revilla. Napapanood ang Agimat series tuwing Sabado pagkatapos ng Cinema FPJ sa ABS-CBN. * * * MALAKAS ang screen presence ni Maricar Reyes sa seryeng Lovers In Paris ng ABS-CBN kay very obvious kung paano alagaan sa set at bigyan ng exposure ang dalaga. Carry niya ang role ng isang sopistikadang babae na nakipaghiwalay sa asawa pero nang ma-realize niyang mali ang kanyang ginawa, ay gusto niya ulit mapalapit dito. Bida sa Lovers In Paris sina Piolo Pascual, Zanjoe Marudo at KC Concepcion, pero binibigyan din ng moment ng ABS-CBN na mag-shine si Maricar. Napansin din namin na habang nabibigyan siya ng break ng Dos, patuloy din siyang gumagaling. Marami ring direktor sa ABS-CBN ang gustong makatrabaho si Maricar. Nakikita raw kasi nila na magiging big star ang dalaga. Isa nga pala sa mga highlights ng performance ni Maricar last week ay nu'ng tarayan niya si KC at sabihang 'you look expensive tonight. ' * * * KABI-KABILA ang miting ngayon ni Ara Mina bilang paghahanda sa plano niyang pagtakbo bilang konsehal sa 2nd district ng Quezon City. Kung sinu-sino ring pulitiko ang nanliligaw sa kanya para maging kapartido kaya lang, as of now, hindi pa niya alam kung kanino siyang partido sasali. Sa Facebook account ni Ara, makikita ang mga photos habang tinutulungan niya ang kanyang mga kababayan sa Quezon City na nabiktima ng Bagyong Ondoy. Hindi na lang namin ipa-publish pa ang mga naturang photos para wala nang isyu. Sa bagong mundong tatahakin ni Ara, nakasu-porta pa rin sa kanya ang kasintahang si Raymond Yap. "Palagi siyang nandi-yan para sa akin. Sa kanya ako humihingi ng advice sa ibang desisyong gina-gawa ko and he's very supportive naman," kuwento pa niya. "Marami akong natu-tutunan sa kanya. Mas nag-grow ako as a person dahil kay Raymond and I'm thankful dahil nandiyan siya," wika pa niya. Source: People's Tonight |