Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maricar pinag-iisipan kung lalantad na

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Ikinagulat ni Iza Calzado ang pagkaka-dawit ng pangalan sa Hayden sex video scandal.

Pero sa halip na magpaapekto ay tinatawa-nan na lang niya ito.

"Nagulat nga ako bakit pati ako nasali. Siguro normal na lang 'yun, Kasi nga sinasabi nilang may listahan daw na may iba pa raw, so, magdadawit na lang sila ng mga pangalan," reaksyon ni Iza.

Wala raw siyang balak magdemanda sa mga taong nagpapakalat na siya rin daw ay sangkot sa eskandalong ito.

Hindi naman natuwa ang father ni Iza na si Direk Lito Calzado sa pagkakadawit ng pa-ngalan ng anak sa natu-rang sex video scandal.

Hindi nito nagustuhan na basta na lang masusulat sa mga babasahin ang pangalan ni Iza na may sex video rin kay Hayden Kho.

"Dapat man lang ki-nausap muna ng nagsulat kung totoo. Hiningi muna nila ang panig namin at saka sila nagsusulat nang hindi maganda, Kasi para sa akin ay hindi maganda na idamay pati ang anak ko sa sex video," paha-yag ni Direk Lito.

* * *

Speaking of sex video, narito pa pala sa 'Pinas si Maricar Reyes, ang isa sa biktima ni Hayden Kho bukod kay Katrina Halili.

Nagbalak manirahan na lang sana sa Tate si Maricar magmula nang kumalat ang sex video nila ni Hayden.

Pero may nagpayo sa dalaga, na isa rin palang doctora at Star Magic talent ng Dos, na manatili sa bansa at ipaglaban din ang ginawang kababuyan sa kanya ni Hayden.

Samahan daw niya si Katrina sa ipinaglalaban nito sa lalaking pinagkatiwalaan nila pero lolokohin na lang pala sa pa-mamagitan ng pagkuha at pagpapakalat diumano ng naturang sex video.

Payat na si Maricar nang iharap noon sa mga press pero maganda at super seksi.

Pero magmula nang kumalat ang sex video nila ni Hayden ay lalong pumayat ito dahil sa sob-rang depression.

Pinag-iisipan na raw mabuti ngayon ni Maricar kung lalantad na rin siya para samahan si Katrina na katulad niya ay biktima rin ni Hayden.

Ang tila pumipigil lang daw diumano kay Maricar na lumantad ay sa sinabi ng nagpayo sa kanya na kapag lumantad siya ngayon para magbigay ng pahayag, after two or three months ay hindi na siya pag-iinteresan ng publiko.

Pero kung plano raw niya to continue na mag-hybernate, she may live miserably all her life.

Ang final decision ay na kay Maricar kung lalantad o mananahimik na lang ito habambuhay.

* * *

Itinanggi ni Shaina Magdayao na pinagselosan niya ang kissing scene nina John Prats at Denise Laurel sa Bud Brothers.

Ayon sa younger sister ni Vina Morales, naiintindihan niya na trabaho lang at walang dapat ikainis o ipagselos.

"Actually, hindi ko napanood 'yung eksena nila. May nag-text lang sa akin kasi same day nag-kiss din kami ni Jason (Abalos) na alam namin na part lang 'yun ng work. At hindi namin mahihindian ang kissing scene at love scene kaya okey lang sa aming dalawa 'yun," paliwanag pa ni Shaina

Masaya din si Shaina dahil finally ay mailalabas na rin sa mga sinehan ang Villa Estrella, isang horror/suspense/love story movie na idinirek ni Rico Ilarde under Star Cinema.

Kasama rin ni Shaina sa Villa Estrella sina Maja Salvador, Jake Cuenca at Geoff Eigenmann.

Hindi raw niya maka-kalimutan ang naturang movie dahil nadisgrasya siya sa shooting.

Nalusot ang kanang binti niya sa sahig na naging dahilan para magkaroon siya ng pilat sa kanang binti.

* * *

Pilit na ginagaya ng Banana Split ang Bubble Gang tulad ng pag-i-spoof nila ng mga kilalang TV host at newscaster na ginagawa dati ng Bubble sa segment nilang "4 Oras. "

Pero sabi nga nila, nothing beats the original kaya 14 years nang nasa ere ang BG at na-ngunguna pa rin sa rating and still going strong.

Kaaliw at kinagigiliwan kasi nang husto sa gag show nina Michael V, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Francine Prieto, at iba pa .

Gayundin ang kanilang gags, commercial spoof, comic sketches, regular segment na "Ang Spoiled, "Sumbong Sumbong" at Moymoy.

Sa Friday ay may kakaibang gag na namang ipa-kikita sina Michael at Ogie na dapat abangan.

Source: Taliba