Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Maricel Soriano masaya sa pagpapakasal ni Edu Manzano kay Pinky Webb

Author: Mercy Lejarde
Column: Rumor And Facts

1. RUMOR : Balitang may itinagong lihim sa kahuli-hulihang sandali si Rudy Fernandez at hindi niya ito ipinagtapat sa kanyang naulilang misis na si Lorna Tolentino. Ang pinakatatagong lehemya ng yumaong aktor ay isinama nito sa kanyang hukay.


FACT: "Lahat ng lihim niya, ako ang pinagtapatan niya bago siya umalis sa mundong ito. Wala siyang itinagong lihim sa akin. " Depensa mismo ni Lorna Tolentino sa preskon ng kanyang H. O. P. E. volume 2 Wings of the Soul album produced by her friend Pinky Tobiano na isa ring cancer victim at line-produced naman ng Star Records sa tulong ni Philip Cu-Unjieng.

2. RUMOR: Umalis daw si TJ Trinidad sa Kapamilya Network without prenu-preno as in ni ha, ni ho ay wala sa executives ng ABS-CBN. Basta type lang daw nitong sumakabilang bakod sa Siyete.


FACT: "I left ABS-CBN kasi ito 'yong napagdesisyunan namin ng manager ko. Medyo natagalan nga lang ang pag-alis ko dahil sinigurado namin ni Tita Annabelle (bago niyang manager after June Rufino ) na hindi naman sasama ang loob ng mga taga-Dos sa pag-alis ko. Inayos naming mabuti 'yong paglipat ko sa Siyete. " Paglilinaw ni TJ Trinidad sa grand launch ng Zorro na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, Rhian Ramos, Michelle Madrigal, Jomari Yllana, Eddie Gutierrez atbp. Kontrabida ang role dito ni TJ.


3. RUMOR: Kahit kung minsan ay naiimbiyerna or nagagalit si Dingdong Dantes sa kanyang ka-love team sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Marian Rivera ay tinatawag pa rin niya itong "sweet" or Yan-yan.


FACT: "Kapag kung minsan nagagalit ako sa kanya, ang matunog na matunog na tawag ko sa kanya ay. .. Proserfina!" Pagtutuwid mismo ni Dingdong nang mag-press visit kami sa set ng Ang Babaeng Hinugot. By the way Proserfina ang namesung ni Marian sa nasabing teleseries ng GMA7 telebabad.


4. RUMOR: Hindi raw makaangat-angat sa TV rating ang ang shows ng TV5 kumpara sa shows ng ABS-CBN at GMA7.


FACT: Masaya na rin ang TV5 executives dahil nasa number 3 na sila sa TV rating game lalo't umaarangkada sa televiewers ang kanilang shows na Talentadong Pinoy, Juicy, Midnight DJ, Everybody Hapi. Ha-ha-Hayop, Shall We Dance at ang Wow Mali ni Joey de Leon.


5. RUMOR: Hindi raw masaya si Maricel Soriano sa balitang magpapakasal na si Edu Manzano sa girlfriend nitong si Pinky Webb. Dating kasal si Maricel kay Edu.


FACT : "Game na ba siya? Kung game na siya, so happy ako for him. Friends kami ni Edu. At saka happy na rin naman ako sa buhay ko. " Sey ni Maricel sa presscon ng T2, horror-drama na may kinalaman sa mga engkanto sa direksyon ni Chito Roño na palabas na sa April 11, 2009.


6. RUMOR: Pakitang tao or for civil ek lang ang pagbabati nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong mamatay ang Daddy ng aktor.


FACT : Not true ang tsika. Katunayan, last Monday lang, binisita ni Gabby ang dating esposa sa taping ng Sharon at bago mag-start ang taping na ang title ng episode ay Make Me Laugh with guests Angel Locsin, Diether Ocampo, Sam Milby and comedians Jeff Tam, Brod Pete, Pepay & Petite from the Library na palabas ngayong Linggo, masaya pang nag-usap ang Gabby at Megastar na tipong friends na friends na ang dalawa, na matagal ding hinintay ng kanilang fans ang kanilang pagbabati. Kaya malamang ay malapit-lapit na ring maging guest si Gabby ng Sharon only sa primetime bida ng Dos.


7. RUMOR: Never daw susundan ni Kristel Moreno ang tiyahin niyang si Alma Moreno na naging bold star noong araw.


FACT: "Wala namang masama sa pagiging bold star noon ng Tita Ness ko. Type ko nga sanang gawin 'yong kanyang Eva Fonda kaso nga lang naibigay na kay Cristine Reyes. Pero meron pa naman siyang movie noon na ang title ay Walang Karanasan na sana ay ire-make din ng ABS-CBN at sa akin naman ibigay ang role na ginampanan du'n ni Tita Ness. " Sey mismo ni Kristel sa pocket interview courtesy of her manager Chit Ramos.


8. RUMOR: Matatapos na lang daw ang Kapamilya Deal Or No Deal ni Kris Aquino, Banker at 26K girls sa ere this coming March 27 ay wala pang nakakasungkit ng P4 milyon premyo ng nasabing game show.

FACT: Nakooo, eh, why don't you try na sumaling maging studio player ng KDOND or maging home partner thru their text promo at malay n'yo, baka kayo na ang makasungkit ng P4 milyon at nang mabangkarote si Banker.

So, ano pang hinihintay nyo? Go!

Source: Taliba