Oct 14
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Mariel: OA, maingay at kulang sa pansin

MAGKAIBIGAN lang sila, paulit-ulit na sagot ni Oyo Sotto tuwing tatanungin tungkol kay Kristine Hermosa. 'Pag si Kristine naman ang tinanong mo, ang layu-layo ng isinasagot. Dapat daw, magmahalan na lang tayong lahat. O, siya, heto na naman ang i...

 

Mariel: OA, maingay at kulang sa pansin

Column: Malay!
Author: Roland Lerum

MAGKAIBIGAN lang sila, paulit-ulit na sagot ni Oyo Sotto tuwing tatanungin tungkol kay Kristine Hermosa.

'Pag si Kristine naman ang tinanong mo, ang layu-layo ng isinasagot. Dapat daw, magmahalan na lang tayong lahat.

O, siya, heto na naman ang isang kaso ng dalawang nag-iibigan na magkaibigan lang. Pero, ang mga istorya ay patuloy naman sa pagli-leak.

May mga nakakita raw sa kanilang magkasama sa pang-turista (at pang-dolyares, ha!) na Hidden Valley sa Laguna. Oo nga, isang grupo sila, pero ang body language raw nina Oyo at Kristine ay very meaningful.

Marami rin daw nakakita sa kanila sa isang KTV bar sa Greenhills at nagdi-dinner sa isang restaurant.

O, sige na nga, magkaibigan lang. Pero, i-explain nga ang pagbisita ni Oyo sa set ng Prinsesa ng Banyera ni Kristine, ha?

'Pag nasa set daw si Oyo, tuwang-tuwa ang staff dahil gumaganda ang mood ni Kristine at bumibilis magtrabaho.

Ano ang magagawa natin kung walang gustong umamin sa dalawa? Siguro, ayaw nilang pagpistahan ng publiko ang kanilang relasyon.

Isang bagay lang ang malinaw ngayon: Naka-move-on na si Kristine at burado na sa puso niya ang "pinakasalang" si Diether Ocampo.

* * *

DALAWANG imbitasyon na ng mga Revilla ang inisnab ni Rosanna Roces. Ang una'y ang birthday bash ni Sen. Bong sa Cavite. Ang pangalawa, 'yung debut ni Inah kamakailan.

Pero, sa dalawang okasyon, laging naroon ang apo nitong si Budoy, anak nina Jolo at Grace Adriano (unica hija ni Osang).

Akala ba nami'y naplantsa na nina Osang at Lani ang gusot na pagitan nila?

O, baka naman gusto lang mapag-usapan ni Osang?

Sus, hindi na bagay sa kanya ang mga gimik na 'yan, 'no?

* * *

MADRAMA. KSP (kulang sa pansin) ang tingin ng mga nanonood ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 kay Mariel Rodriguez.

Bukod sa maingay at nakabibingi ang bunganga'y sobrang OA pa ito.

Hindi na raw normal ang ikinikilos ni Mariel sa loob ng Bahay ni Kuya dahil lahat na raw yata ng kaartehan ay nagawa na ng TV host para lang mapansin at mapag-usapan.

Kung ang viewers daw ang masusunod, uunahin na nilang tigbakin sa nasabing reality show si Mariel. Aba'y tinalbugan pa niya ang magimik at madramang si Ethel Booba, huh!

Source: People's Tonight