Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel Rodriguez clarifies 'isnaban' issue in Wowowee Dubai

Mariel Rodriguez clarifies 'isnaban' issue in Wowowee Dubai

Author: Gidget Alikpala
Column: Entertainment

Nakausap ng ABS-CBN.com ang Wowowee host na si Mariel Rodriguez, para linawin ang isang isyu tungkol diumano sa pang-iisnab nila ng mga hosts ng Wowowee ng fans while in Dubai last January 30.

Lumabas kasi sa article ni Ricky Lo sa Philippine Star na mayroong nagrireklamong fans with Mariel on how she treated fans out there.

"Kaya nga ang ginawa ko (after reading Ricky Lo's column), nag-email ako ng pictures kay Tito Ricky, the one na nagpapa-picture ako kasama ko ang mga fans," lahad ni Mariel.

Unfair daw sa kanya na sa libo-libong fans na nakipag-picture taking sa kanya, ang isang fan (na incidentally ay friend ni Mr. Lo) na ito ang siyang magrireklamo without proving his facts kung totoo ngang ugali ni Mariel ang mang-isnab ng fans.

"I found it unfair, kasi sa sobrang andaming ginawa mong good, sa isang ganu'n lang, 'yon pa ang nakikita?" sumbong ni Mariel sa ABS-CBN.com. "Parang sawang-sawa na akong nasasabihan ng ganun, ng suplada."

Mabuti na lang daw she called Ricky Lo at nilinaw niya ang isyu. Dahil dito nalaman din niya ang sinasabing di siya namamansin was a few minutes before the show started.

"Pa-start na 'yong show. No wonder, hindi talaga kami papayagan na magpapiktyur kasi aakyat na kami ng stage. Hindi kami nagtataray, nagtatrabaho lang kami noong time na gusto nilang makipag-Kodak-an."

At hindi naman daw katakataka na ganu'n nga ang nangyari, na hindi na nila pinansin ang mga humahabol pang magpapalitrato dahil may order na na magi-start na ang show.

"Nahu-hurt ako talaga kasi unfair 'yun sa amin na wala naman talaga kaming ganoong intensiyon, naiisyuhan kami ni Valerie (Concepcion)."

Sa isang hiwalay na panayam kay Pokwang, ang isa sa mga co-hosts ni Mariel sa Wowowee, idinepensa ng komedyana ang kaibigan.

"Hindi totoong nagsuplada si Mariel. Ako ang buhay na saksi na lahat po kami, masaya kaming pagbigyan ang lahat ang mga naroroon, but 20,000 people, imposible namang lahat ay mapagbigyan," pahayag ni Pokwang.

Know the latest about Mariel Rodriguez! Text MARIEL ON to 2366 to get daily KTEXT journals. P2.50/SMS for Globe, Smart P2.00/SMS for Sun Cellular P5.00/MMS all networks. Available to Philippine residents only.

Source: ABS-CBN News