Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel Rodriguez clarifies issue raised by disgruntled fan from Texas

"Sabay-sabay kaming dumating, nagpaalam kami ng maayos, nagpasalamat kami dun sa may-ari ng bahay. I mean... Why did we go there anyway? What do we have to do in a party? They invited us to eat, we eat. What do they want us to do? Hindi kami galit, hindi

Author: Melba Llanera

Bukod sa lumabas na balitang flop daw ang nakaraang shows ng Wowowee sa San Diego, Calfornia at Houston, Texas ay isang email ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) galing sa isang kababayan natin na nagrereklamo sa pagsusuplada diumano nina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Angelica Panganiban sa dinner na hinanda raw para sa grupo (click here to read the email).

Agad namang hiningi ng PEP ang panig nina Mariel tungkol sa nasabing reklamo at last Saturday, December 13, sa dressing room ng Entertainment Live ay nakausap namin ang TV host tungkol dito.

"No. When we went there, we were told that we were gonna go to a dinner. Ang alam ko, kami-kami lang, we didn't know it was a house party. So when we got there, we ate, 'tapos after eating, nagpa-picture pa kami dun sa may-ari ng bahay. Binigyan niya pa kami ng kutsara, kaming lahat.

Mariel also assured na maayos ang pagpapaalam nila sa may-ari ng bahay na nagbigay ng dinner party sa Wowowee group.

THERE'S ALWAYS AN ISSUE. Ani Mariel, hindi na niya alam kung saan ilalagay pa ang sarili--kung pumunta man sila o hindi sa isang naihandang event ay laging may isyung lumalabas.

"Sabay-sabay kaming dumating, nagpaalam kami ng maayos, nagpasalamat kami dun sa may-ari ng bahay. I mean... Why did we go there anyway? What do we have to do in a party? They invited us to eat, we eat. What do they want us to do?

"Dati sa Hawaii... nagkaroon na ng issue, 'Ay, hindi napunta ang Wowowee dito,' na kesyo hindi raw kami sumipot at galit na galit daw ang mga tao.

"Hindi ka pumunta may issue, pumunta ka may issue pa rin, ano ang gagawin mo? Saan kami lulugar?

"Hindi kami galit, hindi nang-snub. I think it's very nice of us to go to the party, I think that alone should be appreciated. Di dapat bigyan ng issue, sana wag na lang."

Nilinaw din ni Mariel ang lumabas na balita na flop daw ang Wowowee shows sa San Diego, Califonia and Houston, Texas.

"Okey naman, maraming tao sa San Diego, even sa Houston, marami ding tao. Si Jun Lalin nga, sumulat na maraming tao, because he was there.

"For me kasi ang feeling ko, sa bawat lugar na pupuntahan mo, sa bawat show, sa bawat concerts, ang pinakaimportante is kung nag-enjoy ba ang mga taong nagpunta."

CHRISTMAS PLANS WITH ZANJOE. A few days from now ay Christmas na, agad naming tinanong kay Mariel how will she celebrate the holidays with her boyfriend Zanjoe Marudo, at kung may gift na ba siya rito o kung may plano na ba sila.

"I'll be with my family. Pupunta ako sa Alabang, sa bahay ng ate ko. Gift for Zanjoe? Di ko pa alam, di rin ako makapagplano, di ka naman makaka-get away kasi live kami [sa Entertainment Live]. Nahihiya nga ako sa kanya."

GIVE LOVE ON CHRISTMAS DAY. Ayon pa kay Mariel, the true meaning of Christmas should not be based on the type of gifts or material things that we give away and receive. Aniya, the true essence of Christmas is remembering the birth of the Savior Himself, giving thanks to the Lord and loving each other.

"It's a time na dapat magbigayan tayong lahat. Wag na tayong magbigay ng problema sa iba. It's really the time na magpasalamat tayo sa Diyos kasi birthday ito ni Jesus. Wag nating kalimutan yun, kasi puro tayo regalo, material things, hindi lang dapat para doon ang Christmas. Sana magmahalan na lang tayong lahat, tama na ang gulo."

Source: Philippine Entertainment Portal