Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel Rodriguez on Zanjoe Marudo's 'new' girl: 'Wala akong pakialam dun'

Mariel Rodriguez on Zanjoe Marudo's 'new' girl: 'Wala akong pakialam dun'

Author: Demai Sunio

Balik-Pilipinas na si Zanjoe Marudo mula sa taping abroad ng Lovers in Paris at maugong ang balita na habang nasa France ang actor ay may nakilala daw itong French woman na napapabalitang kinahuhumalingan daw niya diumano. Sinagot agad ni Zanjoe ang isyu at dineny na meron siyang ibang babae sa France.

Nakausap naman ng ABS-CBN.com and girlfriend ni Zanjoe na si Mariel Rodriguez tungkol dito at ito lang ang nasabi ng aktres, " Wala akong pakialam dun!" Tiwala naman daw kasi si Mariel kay Zanjoe. Hindi rin totoong nagkaroon sila ng anumang tampuhan dahil sa isyu. Sa katunayan, nagkita agad silang dalawa pagdating pa lang ni Zanjoe sa bansa at tuloy na tuloy na ang nakaplano nilang out of town trip together this Holy Week.

Tinanong namin si Mariel kung gaano niya na-miss si Zanjoe. On a scale of 1 to 5 (5 being the highest), ang sagot ni Mariel ay 4 lang. Bakit? Dahil naging busy din naman siya sa kanyang work. Instead of feeling sad, mas tinutukan ng TV host/actress sa kanyang pagho-host at ang pagpaplano ng isang salu-salo na hinanda nilang mga Wowowee girls (kasama sina Pokwang, Saicy Aguila, RR Enriquez, at Valerie Concepcion) para sa mga elderly na nakatira ngayon sa Golden Acres sa Quezon City. Kahapon after Wowowee ay nagpunta sina Mariel at mga kasamahan para mamigay ng pagkain, mga damit, at entertainment para sa mga lolo at lola doon. Sinama din nila ang kanilang makeup artist and hair stylist friends upang mamigay din ng libreng makeover. Very happy sina Mariel dahil napasaya nila in their own little way ang mga elders.

Siguradong pasasayahin din ni Mariel, together with Bianca Gonzalez, ang mga Kapamilya chatters this Thursday, April 2, dahil at 3PM (Philippine time), ay makaka-chat na sila via Kapamilya Chat. Just log on to chat.ABS-CBN.com. Maari mo rin silang makatext. Just text MARIEL ON or BIANCA ON and send to 2366. (Available to Philippine residents only)

Source: ABS-CBN Interactive