Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel Rodriguez puts a lid on "plastikan" issue with Valerie Concepcion

"Isipin na lang nila, we get to work together sa Wowowee na araw-araw, naroroon kami. Aba, mahirap yatang nagpaplastikan kami araw-araw! I can't work in an atmosphere like that. Gusto kong katrabaho ko yung okey naman ako sa kanya, at okey siya sa akin,"

Author: Archie de Calma


The "plastikan" between Valerie Concepcion and Mariel Rodriguez has been a nagging issue. Naloloka na nga si Mariel at nang magsalita siya kahapon sa Entertainment Live para, once and for all, tapusin na ang paulit-ulit na isyung ito. Naroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng ABS-CBN para hingin kay Mariel ang iba pang detalye sa diumano'y pakikipagplastikan lang naman nila ni Valerie, ayon sa chika.

"Nasagot ko na kasi nang paulit-ulit 'yan, at nagugulat na lang ako," sabi pa ni Mariel, "coz if there's a presscon, tinatanong sa akin si Valerie. Ako naman, tinatanong sa kanya. Hindi na matapus-tapos.

"Nagulat ako, kasi, for a time, nahinto 'yan. 'Tapos, ngayon, mayroon na namang mga isyu. Noon kasing nag-presscon ako noon, hindi naman na-bring up 'yan, ito lang recently, sa presscons daw with Valerie, may mga isyung ganyan na tinatanong sa kanya.

"Wala akong bagong project. Wala namang bagong whatever, so I know, it's not coming from me. Bakit kaya ganito?

"Kaya during the briefing, nabasa ko sa script, may issue nga raw sa amin ni Valerie tungkol na naman sa ganyan. So, I called up Valerie, and I told her about what I should say.

"Sinabi ko na lang na pagod na akong magsasagot sa isyung 'yan dahil sa bawat interview na lang sa akin, mayroong ganyang angle. Sa tuwing may interview na lang sa kanya, kasama ako. Bakit ako laging kasama? Ngayon, kung nai-interview ako, tungkol din kay Valerie ang itinatanong," napapailing na sabi na lang ni Mariel.

Tawa lang daw nang tawa si Valerie tungkol doon. In fact, close naman talaga sila. After Entertainment Live kahapon, sumugod agad si Mariel sa birthday party ng anak ni Valerie na si Fiona.

"Hindi alam ng mga tao 'yan, pero, isipin na lang nila, we get to work together sa Wowowee na araw-araw, naroroon kami. Aba, mahirap yatang nagpaplastikan kami araw-araw! I can't work in an atmosphere like that. Gusto kong katrabaho ko yung okey naman ako sa kanya, at okey siya sa akin.

"Nagkakasundo kami ni Valerie, kaya nakakagulat ang mga chikang ganyan!"

Parang maiiyak na raw si Mariel sa ganoong anggulo sa kanila ni Valerie?

"Me? Iiyak sa ganyang intriga? Yuck!" napakatotoong naibulalas ni Mariel. "Hindi naman. Bakit ako iiyak? Sobra naman!

"Ang feeling ko, wala na lang gustong mapag-usapan sa amin. Baka ganoon lang talaga. Magkasama kami ni Valerie palagi, naisip nila, pagbanggain na lang kami," aniya.

 

ZANJOE'S DARING SCENES. Tungkol naman sa kanila ni Zanjoe Marudo, ano ang dating sa kanya ng masyadong pagiging daring nito. Maski raw sa Dyosa may mga eksenang halos hubad na hubad na ito.

"Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya. Bago ko siya nakilala, let's face it, underwear model siya. Natural lang na laging naka-display ang katawan niya. It doesn't bother me.

"Matagal na rin naming inamin yung relasyon namin, kaya walang masyadong nababalita sa amin. As in tahimik kami, pero masaya.

"Wala talagang conflict. Matagal naman kasi ang naging process bago kami naging kami, alam mo na. Wala naman kaming dapat aminin talaga noon kaya wala kaming sinasabi. Nang maging malinaw ang sitwasyon namin, at saka kami umamin. Ganoon lang 'yun," sabi pa ni Mariel.

Noong papunta pa lang daw sa sitwasyon ng pagiging mag-on, nauna na ang ingay sa kanila ni Zanjoe.

"Kaya nang umamin na kami, hayun, tumahimik. The more siguro na naka-hang yung mga tao, roon lumalabas ang kung anu-anong intriga," pagwawakas ni Mariel.

Source: Philippine Entertainment Portal