|
|
| Mariel Rodriguez sings for "hard-to-please" senior citizens![]() Author: Eric Borromeo Binisita ng Kapamilya stars na sina Mariel Rodriguez, Pokwang, Saicy Aguila, RR Enriquez, at Valerie Concepcion ang charitable institution na Golden Acres last Tuesday, March 31. Lingid sa kaalaman ng marami, ginagawa nila ang ganito 'pag nalilibre sila sa kanilang trabaho. May nakakatuwang kuwento si Mariel sa pagpunta nila sa naturang institusyon. "Naloka ako sa matatanda," umpisa ng isa sa co-hosts ng Wowowee nang makapanayam ito ng Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ. "Masaya naman kami. Ang cute-cute nga nung matatanda, as in sobrang parang isip-bata na nga sila. "Wala naman kaming proper program, kasi hindi naman talaga siya show or anything like that. So, parang nagkakantiyawan na sinabi ni Pookie [Pokwang] na kakanta ako para sa kanila. E, di ako naman, sing naman ako, di ba? Tapos biglang naririnig ko do'n sa background na yung matatanda, nag-aaway-away! Sabi nila, 'Ang ingay! Ang ingay naman nito!' Sabi nila do'n sa kanta ko. Nakakaloka sila!" natatawang kuwento ni Mariel. Ang inawit daw ni Mariel ay ang kanta ni Ogie Alcasid na "Nandito Ako." "Parang gusto nilang sabihin na 'Wag ka na dito!'" ang nakakatuwang dagdag pa ng TV host. Hindi naman daw na-offend si Mariel nang sigawan siya ng mga lola habang kumakanta siya. "No, of course not," aniya. "Okay lang yun, 'no? Gusto ko naman talaga na maingay yung voice ko. Saka ang cute, matanda na talaga sila and they don't care, sasabihin talaga nila yung nararamdaman nila. If for example, sabi nila, 'Wow, ang ganda-ganda ng boses mo!' 'Yon ang mga talagang 'Lola, ine-echos n'yo na ako, huh!' So, wala namang gano'ng naganap. "Naku, may album ako, kailangan n'yong abangan talaga! Gagawa ako ng album talaga. Tapos marami ring mga pictures ko, parang yung kay Gretchen Barretto!" Pero wala raw CD yun kundi puro pictures niya lang, biro pang banggit ni Mariel. Nakakaaliw pa ang pahabol na kuwento ni Mariel tungkol sa singing raket niya: "May raket ako, ang pina-prepare nila three songs, nag-prepare ako ng four songs just in case mag-'more' yung crowd! Pero three lang yung kinanta ko, hindi na sila nag-more!" kuwento niya. LIVE-IN ISSUE. Naitanong din sa TV host kung totoo ang balitang nagli-live-in na sila ni Zanjoe Marudo, "Ay, bongga! Ang taray namin!" kikay na sagot niya. Luma na raw ang isyu dahil nung isang taon pa yun ikinakabit sa kanilang dalawa. Nabanggit din ang tungkol sa diumano'y "French girl" na nali-link sa boyfriend ni Mariel. Nagpunta kasi si Zanjoe sa Paris, France para sa taping ng Lovers in Paris, kung saan kasama niya sina Piolo Pascual at KC Concepcion. "Yun pala yung bago, yung French girl," reaksiyon Mariel. Pero wala naman daw nababanggit sa kanya si Zanjoe tungkol dito. Naikuwento naman ni Mariel na bumili ng audio CD ng French language si Zanjoe. "In fairness, bumili siya ng CD, yung French, nung isang araw," aniya. "Oo, ang cute. Hindi ko naiintindihan. Pero I think tinuruan siya ni KC . Sabi ni Zanjoe 'buti na lang daw nandoon si KC kasi siya yung nakikipag-usap. Hindi raw sila nahihirapan." Source: Philippine Entertainment Portal |