|
|
| Mariel dapat bantayan sina KC at ZanjoeAuthor: Joey Aquino Hindi pa nga nagsisimula ay umani na ng mga papuri ang teleseryeng Lovers in Paris, tampok sina Piolo Pascual, KC Concepcion at Zanjoe Marudo. Bago pa lang ang chemistry ng love triangle na ito sa TV pero dahil sa ganda ng formula ay marami ang humuhula na magki-klik kaya tuloy inaabangan na ang pag-ere nito sa Sept. 28, sa ABS-CBN Primetime Bida. Marami ang kinikilig sa tambalan nina PJ and KC pero marami rin ang naniniwala na puwede rin namang maka-score si Zanjoe kung sakali dahil iba ang appeal nito. Hmmm... Oo nga ano? Paano nga kaya kung in real life ay si Zanjoe ang magwagi sa puso ni KC? Aba, kapag nagkataon, kailangang kalamayin ni Mariel Rodriguez ang kanyang puso, that is, kung makaka-tsamba si Zanjoe kay KC, huh! Pero papayag naman ka-ya si PJ kung sakali? Naku, humaba na raw at nakarating na sa Paris ang aming imagination. Hahahahaha! * * * Nakakalungkot ang balitang hindi na magtatagal ang men's magazine na Maxim ng ABS-CBN Publishing. Ilang taon lang ang inilagi nito sa magazine world at hindi na nakayang makipagsabayan pa sa FHM at Playboy magazines. Kung inyong matatandaan, ilang kontrobersiya rin ang nagawa ng magazine na ito, kabilang na ang diumano'y niretokeng ka-tawan ni Angelica Panganiban at ang first sexy pictorial ni Krista Ranillo. Ngayon, siguradong solo na naman ng FHM magazine ang slot sa men's magazine dahil bukod sa Playboy ay wala na silang ka-laban. * * * HUli man daw at magaling ay makakahabol din. Kaya kahit 9:30 pm na kami nakarating sa Mall of Asia para sa concert ng As 1 ay na-enjoy pa rin namin sina Gary Valenciano at Martin Nievera. Muntik pa nga kaming maluha nang kantahin ng dalawang concert kings ang medley ng mga teleserye ng Channel 2 at Star Cinema movies dahil nakaka-relate kami sa mga kanta du'n, noh! Pero ang nakakalungkot na balita ay nang isinugod sa ospital si Martin because of dehydration, kaya isa kami sa mga nagdarasal para sa speedy recovery ni Martin. Kunsabagay, medyo may kalusugan ngayon si Martin at kinakailangan na ni-yang mag-diet para puwede siyang makipagsabayan sa mga paggiling ni Gary V, hendehvah? * * * SiguradoNG marami ang masasgasaan kapag naipalabas na sa October 7 ang pelikulang Pipo sa mga sinehan. Eh, bakit naman? Dahil cybersex ang tema ng movie at alam namin na ilan sa mga taga-showbiz, mapa-artista man o talent manager ay may kinalaman sa negosyong ito, pero hindi na namin sila ibubuko. Kasama sina Tyron Perez, Marco Morales, Michelle Estevez, Mystica at Karla Estrada sa movie at lahat sila ay may crusade laban sa paglaganap ng cybersex. Tinitigan namin si Mystica at naloka kami sa kanyang kaputian ngayon na hindi namin alam kung ang Gluta soap ang dahilan. Matagal ding nagbakas-yon si Mystica sa Georgia, USA, kay ito rin siguro ang isa sa dahilan kung bakit ibang kalse ang puti niya ngayon. Ano sa palagay mo, ka-ptid na Rodel F? * * * PAGING teeny boppers, models, beauty queens, talent managers at kung anu-ano pa. Nangangailangan, as soon as possible or ASAP, ang Page Xclusiv 2 ng additional members para sa kanilang gagawing limited edition na CD with DVD music video para sa mga kantang Papi Caliente at Oh Lord, under Galaxy records. Kung kayo ay 18 years-old and above, magaling sumayaw (at kung puwede na ring kumanta), at least 5' 4" in height, malakas ang appeal, at higit sa lahat, 100% na babae, tumingin lang sa salamin at mag-text na sa 09205128320 or 09285035752 for more info dahil bukod sa cash incentives ay marami ring gifts and privileges ang ibibgay ng Page Jeans Mangement. * * * For reaction, please email mediatouch2000@yahoo. com. Source: Taliba |