|
|
| Mariel imbiyerna kay Valerie![]() Author: Chan-Chan Torres Usap-usapan ang hindi muna pagpirma ni Judy Ann Santos ng kontrata sa ABS-CBN. Nabalitaan naming dapat daw sana ay last week pa magkakaroon ng pirmahan pero bigla na lang daw itong naurong. Hindi raw kasi napapayag agad si Juday na piramahan ang kontrata na tatagal hanggang 2011 dahil sa may particular provision doon na hindi puwedeng magbuntis ang young superstar hanggang 2011. Kung hindi, the contract will be nullified. Ito marahil ang pangunahing dahilan kung bakit nag-aalinlangan si Juday sa pagpirma ng kontrata. Sa tingin namin, Juday is trying to get to know what her priorities are, as of now. As for her career, may napatunayan na siya, ilang box office hits ang nagawa ng aktres, ilang awards at ngayon ay going global pa ang ipinrodyus niyang Ploning. Kung hindi natuloy ang supposedly contract-signing ni Juday sa Dos, ito rin kaya ang posibleng dahilan kung bakit naurong ang pagpapalabas ng Humingi Ako Sa Langit? Ilang linggo na ang nakaraan, nag-pictorial na rin ang buong cast ng show at tila naghahanda na for the play date na sanaây this October daw. Dahil sa nangyari, mukhang mauunahan pa sila ng Pieta naipapalabas na ngayong Nobyembre. * * * âWhat you see is what you get. â Ito ang sagot ni Richard Gutierrez sa mga katanu-ngan about him and KC Concepcion nuâng makausap siya ng ilang members ng entertainment press sa launching niya ng Unique toothpaste. Hindi talaga maipagkakailang in love si Chard. In fact, masaya pa nitong ikinuwento na mas nakilala niya nang husto si KC sa recent trip nila sa Europa. Aniya, higit pang napamahal ang dalaga sa kanya. Sa kabila ng hindi pagkaka-link ni Chard sa leading lady niyang si Heart Evangelista, mataas pa rin ang ratings ng Asero, huh. Natutuwa si Richard dahil binibigyan siya ng pagkakataon na ipakita rin ang kakaibang talento niya sa aksyon. Keber mang may ilang nang-iintriga sa kanya na hindi siya bagay sa aksyon. Well, sorry na lang kayo! Si Richard ang magiging isa sa pinakabising aktor next year, siya ang gaganap na lead sa Mask of Zorro ng GMA-7. * * * Pinabulaanan ni Valerie Concepcion ang isyung may gap sila ni Mariel Rodriguez at diumanoây nagpaplastikan lang sila. Really? Natatawa na lang si Val sa mga naglalabasang chika about her kasi ngaây imposibleng aniyang magkaroon sila ng gap ni Mariel dahil chummy sila. Ipinaliwanag pa ni Val na hindi man sila super close ni Mariel pero alam niyang magkaibigan sila at nag-uusap silang dalawa. Ang itinuturong dahilan kung bakit may gap diumano sina Val at Mariel ay si Zanjoe Marudo. May selos factor daw kasi si Mariel kay Val nuâng mag-guest ang hunky papa sa Banana Split na gag show nina Valerie. Source: Taliba |