Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel, na-cheap-an sa abortion issue

Author: Ogie Diaz
Column: May Ganu'n?

BLIND item: Saka lang napagtanto ng bading na ang mahal maningil ng "booking fee" ang isang young actor pagkatapos niya itong mahada.

"Na-curious lang talaga ako, mare. Kasi nga, dati naman, mataba 'yan, ngayon, ang ganda na ng katawan. Pero hindi naman gano'n kalakihan. Dyutay lang pala, ang laki pa ng ibinayad ko!"

Magkano?

"Ang nakalolokah pa, sa dami ng artistang nahada ko, siya pa 'tong pinakamahal, ha? 'Yung iba, P25,000 lang, bongga pa, siya talaga, nanghinayang ako!"

Magkano nga?

"30 kiyaw, 'no! Tapos, kapiranggot lang pala ang notes!"

Hahahaha! Anyway, alam naman naming manghihingi kayo ng clue, kaya eto na. Ang kanyang initials ay initials din ng isang bahagi ng bahay na 'pag bibili ka, itinatanong mo ito.

Ang kanyang pangalan at apelyido ay may letrang "i. " Gets n'yo na?
* * *
Si Mariel Rodriguez, nagpalaglag? Anak daw nila ni Zanjoe Marudo? At sa Hawaii pa raw nu'ng mag-show sila ng Wowowee?

Hindi nga?

'Yan ang mga tanong namin pagkabasa namin sa isyung nagpalaglag si Mariel sa Hawaii. In-e-mail lang sa isang reporter, kaya ibinahagi naman sa mga reader ang abortion issue.

Pero pagkatapos basahin, parang naghahanap kami ng detalye kung saang ospital ba o bahay sa Hawaii, sino ang nagsagawa?

Kahit nga generic name, like isang doktor, o isang nurse, o isang kamag-anak ang nagsagawa ng proseso, wala rin.

Ano 'yon, paninira kay Mariel? Sino naman kaya ang gagawa no'n?

Kaya nu'ng makausap namin si Mariel sa telepono, laugh nang laugh ang co-host ng Wowowee.

"Juice ko naman, 'yan pala 'yung sinasabi ng EP ko na may isyu raw na nagpa-abort ako.

"Hahaha! Ano ba 'yan? Napaka-stupid naman ng isyu. Why will I do that, eh, I love kids, kaya nga when you got me as ninang of your daughter, sobrang tuwang-tuwa ako.

"Hindi ko talaga alam kung sino'ng may galit sa 'kin, ba't ganyan ang ginagawa nila. Dapat ko bang patulan 'yan? Oh, my God! Ang cheap!"
* * *
Nali-link naman ngayon si Vhong Navarro kay Yasmien Kurdi. Nagkakilala raw ang dalawa sa facebook. com. Para makasiguro kung hindi fake ang kanilang facebook account, nagkita sila sa isang bar sa Quezon City.

Ayon kay Vhong, "May kasama siyang friends, ako din, meron. Enjoy lang kami ru'n. Kaya nga sabi niya, enjoy daw ang company ko, 'di ba?

"Gano'n lang 'yon. Kasi, pare-pareho naman kaming may sabit. May boyfriend siya, si JC de Vera, 'di ba? Meron din naman ako, si Desiree del Valle.

"Kaya hanggang tsikahan lang sa bar 'yon. Nagkataon lang na may nakakita sa amin, kaya siguro 'yun ang ikinalat, na-link tuloy kami!

"Kaya pare," tawag niya sa amin, "'Wag tayong magkikita, baka tayo naman ang ma-link!"

May ganu'n?
* * *
Nandito na naman ang mahusay na Immigration lawyer na si Michael Templo, kaya kung gusto n'yong makakuha ng U. S. at Canadian visa, working visa, green card, petitions, tawag lang kayo sa 893-5964 at 759-2985. O 'di kaya, mag-text sa 0916-6280990 or visit www. templolaw. com. ..

Siya ang tumulong sa amin at sa mga kaibigan naming naninirahan na sa U. S.
* * *
'WAG n'yong kalilimutang makinig sa radio program namin ni Ms. F, ang Wow! Ang Showbiiiz!, sa DzXL 558khz at maririnig din sa www. rmn. ph, 10:30 a. m. -12 noon.

Source: People's Tonight