Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel nagsalita na sa `plastikan' sa Wowowee

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

MAY mga nagtatanong kung supladita raw ba si Mariel Rodriguez, at kung siya ang dahilan bakit nawawala ang co-hosts na kasabayan niya sa Wowowee?

Naku, in fairness hindi po supladita si Mariel. Impression lang lagi 'yan sa co-host ni Willie Revillame, noh!

Say ni Mariel, wala raw siyang naging problema kahit noong nariyan pa sina Janelle Jamer, Roxanne Guinoo, at hanggang ngayong si Valerie Concepcion na ang kasama niya ay magkasundo raw sila ng dalaga.

Eh, ano naman ang tungkol sa isyung nagpaplastikan lang sina Valerie at ito ang hindi na-take ng ibang co-hosts niya kaya nagsialis ang mga ito?

Walang katotohanan daw ang tungkol dito. Kaibigan pa rin daw ang turing ni Mariel kina Janelle at Roxanne kahit wala na sila sa show. Nagkakasama pa rin daw silang tatlo sa TV guestings.

Hindi kaya pati si Pokwang na regular na rin sa Wowowee ay intrigahin din kay Mariel?

Friendly si Mariel,in fairness. Nami-misinterpret lang siya ng marami.

Sosi kasi ang dating ng girl na itetch, pero down to earth siya. 'Yun na!

* * *
WALANG bahid ng ka-malditahan si KC Concepcion, kaya marami ang natutuwa sa kanya.

Nu'ng unang humarap sa entertainment press si KC, agad niyang na-win ang puso ng mga taong naroon. Needless to say, intelihenteng tao ang anak ni Mega-star Sharon Cuneta at makarisma pa.

Walang ere si KC. Hindi siya ang tipong feeling star at hindi nag-iinarte na akala mo kung sinong umasta gaya ng ibang young actresses diyan ng Dos. Nakakalimutan yata ng mga artistang ito na hindi habang buhay eh, sikat sila.

Patawa-tawa lang si KC nu'ng malaman ang tungkol sa birong binitawan ng kanyang ina tungkol sa kontrobersyal na pahayag ni Billy Crawford lately.

Matatandaang sinabi ng international singer/ rapper sa isang radio program na good kisser daw si KC.

Well, humingi na naman ng dispensa si Billy sa pamilya ni KC, lalo na kay Sharon at tinanggap naman ng Megastar ang apology ng singer/rapper sa TV Patrol recently.

Ayon kay Sharon: “It's not our fault if we're a family of good kissers. ”

Sinabi pa ng Megastar na halatang irritable pa rin, pero pilit na kino-compose ang sarili.

Iniintriga rin ang mainit na pag-welcome ng Dos kay KC, huh?

Sabi ng mga nakikiusyoso, hindi pa man daw nagsisimula ay may kaagaw na si Angel Locsin sa kanyang pagiging prinsesa ng network.

Naku, may ganoon?

* * *
BALIK-TRABAHO na ulit si Jomari Yllana.

Matapos magpahinga ng ilang buwan ang aktor, mapapanood siyang muli sa super-serye ni Mars Ravelo -- Lastikman (na mapapanood sa ika-24th ng Setyembre pagkatapos ng Kokey) bilang kontrabida ni Vhong Navarro.

Naging abala raw si Jom noong nakaraang eleksyon kasi tumulong siya sa kapatid niyang si Anjo Yllana at siyempre may negosyo rin umano siyang pinagkakaabalahan.

Iba ang glow ngayon sa mukha ni Jom, ito ba ang nagagawa ng isang Pops Fernandez sa buhay niya?

Siyempre, 'pag lovelife niya ang pinag-uusapan pa-ngiti-ngiti lang ang guwapong aktor.

Hangad din ni Jomari ang katahimikan para sa dating asawang si Aiko Melendez. Sa panayam kay Jom, sinabi niyang, sana raw ay maayos pa nina Aiko at Martin Jickain ang problema nila. Sana raw ay puwede pa nilang pag- usapan ang problema bilang mag-asawa. At kung maa-ari lang daw niyang kausapin ang mag-asawa at payuhan itong magbalikan na ay gagawin niya.

Source: Taliba