Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel, pagod na sa 'away' kay Valerie!

Mariel, pagod na sa 'away' kay Valerie!

Author: Rey Pumaloy

TUMANGGI na ring mag-comment si Mariel Rodriguez sa 'intriga' nila ni Valerie Concepcion. Prangkahang sinabi ni Mariel na pagod na siya sa kasasagot sa 'intriga' nila ni Valerie, na kasamahan niya sa Wowowee ng ABS-CBN 2.

Feeling ni Mariel, tuwing ini-interview siya ay ang tungkol sa 'away' raw nila ni Valerie ang tinatanong sa kanya.

“It's so weird na kasi, dahil nung bagong pasok pa lang siya sa show namin, 'yan na agad ang intriga. At nasagot na namin ang tungkol diyan.

Sinabi na namin na hindi totoo `yon, na kesyo nagde-deadmahan kami, o may away kami.

“Tapos, heto at bumabalik na naman. Hindi ko alam kung bakit.

“Sa presscon noon ng Hot Pink, hindi na `yan napag-usapan. Tapos, heto at tinatanong na naman sa akin. Eh, wala naman akong bagong project, kaya hindi galing sa kampo ko `yan.

“Kaya nga nung pagsasalitain ako sa Entertainment Live, sinabi ko na sa staff na kung puwede, ganito na lang ang isasagot ko, na 'I'm so tired na!'

“Kasi nga, bawat interview na lang sa akin, kasama siya. Kapag siya naman ang ini-interview, kasama rin ang pangalan ko. Bakit lagi akong kasama?

“Eh, si Valerie naman, tawa lang nang tawa,” pahayag ni Mariel.

Sabi nga ni Mariel, napag-usapan na nila ni Valerie ang tungkol sa intriga sa kanila, at pareho raw nilang hindi mahulaan kung saan nanggaling ang intrigang `yon. Pareho nga raw silang nagtataka kung bakit patuloy silang iniintriga na nag-aaway, samantalang wala naman daw ganung sitwasyon sa kanila.

Anyway, iniisip na lang ni Mariel na ganun talaga sa showbiz, na kapag magkasama sa isang show ang dalawang artista, iniintriga agad o pinagbabangga.

Ganun din daw ang nangyari kina Toni Gonzaga at Nikki Gil, na tsini-tsismis naman na nagpaplastikan lang kapag magkasama.

Source: Abante