Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mariel pinalitan si Cristy sa Showbiz Mismo

Mariel pinalitan si Cristy sa Showbiz Mismo

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

NANDITO na sa bansa si Dingdong Dantes. Dumating ang aktor mula sa Amerika just in time para sa farewell presentation ng Dyesebel nu’ng Bi-yernes at dumalo rin ito sa inauguration ng ba-gong GMA-7 building sa may Timog, Edsa na pabulosa talaga.

Napag-alaman din naming hindi napanood ni Dingdong ang farewell presentation nila ni Ma-rian dahil abala raw sila sa pagre-rehearse ng sayaw na silang dalawa rin ang magkasama.

Siyempre, super kilig ang fans at naroon talaga ang kakaibang init at chemistry ng tambalan nina Marian at Dingdong.

Sinabi pa ng aktor na kung ano man ang napanood natin sa kanila ni Marian sa Dyesbel, kung nadadala man ang audience sa sweetness nila ng aktres ‘yun ay dahil ginagampanan lamang nila ang karakter nila bilang sina Fredo at Dye-sebel na tunay na nagmamahalan.

Sa isang panayam, sinagot din ni Dingdong ang walang katapusang isyu tungkol sa kanila ni Karylle. Habang nasa Amerika ang aktor, lumabas ang balitang diuma-no’y tuluyan nang natapos ang relasyon nila ng singer.

Bagama’t hindi pa umano nakakapag-usap sina Dingdong at Karylle dahil kadarating pa lang ng aktor, sinabi ni Dingdong na pag-uusapan din daw nila umano ni Karylle ang mga bagay na ito ‘pag nagkita sila. Aniya, isang araw ay magsasalita rin daw siya pero hindi pa sa ngayon. Maghintay lang daw tayo. It won’t be too long.

Ayon pa sa ilang kaibigan sa press, halatang umiiwas daw si Dingdong sa break up issue. Kunsabagay, kung walang problema, puwede namang diretsahin na they’re still together. Hindi ‘yung paliguy-ligoy.

So, totoo nga kayang nagka-debelopan sina Dingdong at Marian? Sila pa rin ang magkasama sa sususnod na proyekto ng Siyete at balitang heavy drama raw ito.

* * *

Bukod kay Ryan Agoncillo (bilang Rigor), kaabang-abang din ang ka-rakter na ginagampanan ni Cherie Gil sa Pieta (ipapalabas sa Oktubre 27).

Sinabi ni Cherie, ang mahalaga ang role ni-yang ito, the late great actress Ms. Charito Solis portayed this character noon sa movie version nito with Ace Vergel as the original Rigor.

Aniya, “Mahirap pantayan ang ginawa ni Tita Chato sa Pieta but I know, I really did my best here. ”

Mataas ang respeto at pagpupugay ni Cherie sa namayapang aktres kung kaya’t ang gampanan nito ang karakter ni Tita Chato ay isang malaking bagay daw para sa aktres.

Ang dami pang boylet ni Cherie sa seryeng ito, huh! Pinag-aagawan siya rito nina John Regala, Jestoni Alarcon at Neil Sese.

* * *

Gusto lang naming batiin si Mariel Rodriguez, ang husay niya bilang isa sa mga co-hosts ng Showbiz Mismo ng DZMM. Siya ang inatasan ni Ms. Cory Vidanes na pumalit sa puwesto ni Cristy Fermin at in fairness, lively talaga si Mariel.

Nakakawala ng antok at refreshing ang dating.

Bagay na bagay siya sa isang afternoon radio program ang kanyang energy at pagka-kikay.

Source: Taliba