|
|
| Mark Anthony Fernandez mas bagay kay Marian Rivera kesa kay Dingdong DantesAuthor: Noel Asiñas HINDI man nagkasabay sa pagrampa sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 59th anniversary celebration ng GMA7, todong tinilian naman ng napakaraming fans sa Araneta Colise-um ang top love team ng Kapuso network. Ipapalabas ang special event na ito sa SNBO this Sunday pagkatapos ng Full Haus. Sa pagrampa, kapartner ni Marian sa wedding gown portion si Mark Anthony Fernandez dahil ito ang katandem niya sa bagong soap, ang Darna. May narinig kaming sigawan na mas bagay si Mark Anthony kay Ma-rian kesa kay Dingdong. * * * HINDI nakarating si Manny Pacquiao sa 59th anniversary show ng GMA7 dahil naka-self-quarantine siya. May good excuse si Manny sa 'di pagsipot nang gabing 'yon. Pero, ngayong Monday (June 22) ay binigyan niya ng mahabang oras ang ta-ping for Pinoy Records. Maghapon siyang nag-taping dahil wala sa bansa ang kanyang ka-tandem na si Chris Tiu. May business commitment kasi si Chris sa Bei-jing, China. In fact, dahil sa commitment na ito, di rin nakadalo sa 59th anniversary show ng Siye-te si Chris. Tama lang talagang dalawa ang main hosts ng Pinoy Records dahil kung absent ang isa sa taping, may sasalong isa pa. Malapit nang maging busy si Manny sa training para sa susu-nod na laban niya sa Las Vegas this November. Da-pat makaipon ng episodes ang Pinoy Records ba-go sumabak sa training si Manny. * * * HINDI talaga mapigilan ni Jace Flores ang kanyang nararamdaman para sa crush niya ngayong Kapuso star na si Glaiza de Castro. Minsan pa lang silang nagkaeksena ni Glaiza sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, gusto na ngayong pormahan ni Jace si Glaiza. Ani Jace: "Attracted talaga ako sa beauty ni Glaiza, bukod sa kaba-itan niya. Ako ang tu-nay na boyfriend ni Glaiza bilang si Gladys sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Sana, ang relasyon namin sa soap ay maging in real life. Sa soap, ako ang makabubuntis kay Glaiza. * * * MALAPIT nang umabot sa mahigit P2 million ang grand prize ng Hole in the Wall na sikat na game show nina Ogie Alcasid at Michael V. 'Di makuha-kuha ang daily jackpot kaya lumaki nang ganito ang premyo. Puwedeng manalo ni-to ang ordinary contestants na galing sa auditions at ang celebrity guests. Nakalinya this week ang malalaking artista bilang panauhin na pinangungunahan nina Marian Rivera, Mark An-thony Fernandez, Kris Bernal , Aljur Abrenica at iba pa. Ngayong Martes ay maglalaban sa jackpot prize ang Hot Mocha Girls na kinabibilangan nina Mocha, Hershey at Grace. Makakalaban nila ang Bonggalicious EB Babes na sina Marjene, Madel at Belle. Source: Taliba |