Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mark Anthony Fernandez may banta sa liligaw kay Lorna Tolentino

Author: Mercy Lejarde
Column: Rumors & Facts

RUMOR: Nagbigay daw ng mabigat na pahayag si Mark Anthony Fernandez sa grand launch ng All About Eve na tipong "over my dead body" ang sinomang magtatangkang lumigaw kay Tita Lorna Tolentino na widow ng kanyang yumaong butihing amang si Rudy Fernandez.

FACT : Not true. Ang sinabi ni Mark, kikilatisin muna nilang mabuti ng Tito Jinggoy Estrada niya ang mga manliligaw sa kanyang Tita Lorna and besides it's too early pa raw para magpaligaw si LT.

"Kasi ang Papa ko at si Tita Lorna hanggang sa huling sandali ay nagliligawan pa rin. At fan ako ng loveteam nila. Saka sa Bibliya nakalagay du'n na hindi na dapat pang mag-asawa ang isang widow," paliwanag ni Mark.

RUMOR : Pareho raw biktima ng pag-ibig at katangahan sina Nina at Kitkat.

FACT : "Si Nina nagpa-utang siya. Kusang loob niya 'yon. Ako, ninakawan. Biktima ako ng magnanakaw na maitim ang loob. Biktima ng demonyo. " esplika ni Kitkat nang mag-taping sa Sharon.

RUMOR : Ayon sa ilang detractors ng Sharon, boring daw ang said show.

FACT : Excuse me. Kung boring ang Sharon, ba-kit itinanghal ito just last week as Best Celebrity Talk Show ng Gawad Tanglaw Awards, hel- lerrr!

Pulos kasiyahan na nga ang hatid ngayon ng Sharon lalo na this sunday episode, Feb. 8, titled Sing Ala Macho na ang guests ay gay performers ng Zirkoh na ang gimik ay naka-girl outfit sila, pero ang repertoire puro songs na panlalaki. Lately, kung inyong napapansin, pulos kasiyahan, kantahan, indakan at komedi ang hatid ng Sharon lalo ngayong nagsisimula nang pumasok ang tag-init at mara-mi-rami na ring celebs ang umiinit ang ulo at nagpapatutsadahan in print, radio and TV na tipong na-influence yata ng dialogue ni Sean Penn sa pelikulang Milk na something like. ... "If you are angry. .. I am angry!" na win galore sa katatapos lang na Oscar Awards sa Hollywood.

RUMOR : Dahil sa paglaya ng mga sundalong nakulong na may kinalaman sa pagpatay kay Ninoy Aquino nu'ng 1983 ay hindi na raw makaka-yanan pang mag-host ni Kris Aquino sa game show nitong Kapamilya Deal Or No Deal.

FACT : Walang kinalaman ang is-yung pagpapalaya sa mga sundalo. Talagang nakatakda nang mag-babu sa ere ang KDOND dahil papalitan ito ng Pinoy Binggo Night na si Kris Aquino pa rin ang host at mag-sisimula na sa March 30. Puwede ngang sumali pati yong mga sundalong laya na sa pamamagitan ng Text promo ng PBN.

RUMOR : Dapat daw mag-ingat si Dingdong Dantes kay Marian Ri-vera dahil nag-dialogue daw ang aktres na something like. .. "ako ay isang sumpa, na lahat ng minamahal ko ay namamatay. "

FACT : Heller! Dialogue lang 'yan na ginamit ni Marian Rivera sa isa sa malalalim niyang eksena sa GMA-7's Ang Baba-eng Hinugot Sa Aking Tadyang at walang da-pat ika-worry ang fans ng dalawa lalo na si Karylle na 'ex' ni Dingdong. Maaaring nagkaroon ng sumpa si Marian, pero isang sumpa upang mag-angkin ng kakaibang kagandahan at galing sa acting.

RUMOR : Not true daw na umaarangkada sa TV rating game ang shows ng TV5.

FACT : Heller, again! Ayon sa reliable survey ay remarkable ang pagtaas ng rating ng Everybody Hapi, Juicy, Ta-lentadong Pinoy at ang muling pagbabalik ng Wow Mali ni Joey de Leon sa TV5.

RUMOR : Hindi raw dinagsa ng advertisers ang Trade Launch ng ba-gong shows ng ABS-CBN na ginanap sa Rockwell Tent nu'ng Feb. 19.

FACT : Wow, mali ang tsika. In fact, present si yours truly at talagang dinagsa ng advertisers ang Trade Launch ng bagong shows ng ABS-CBN at aliw na aliw sila sa talents ng Kapamilya Network na nag-perform that night lalo na kina Ruffa Gutierrez at Ai Ai delas Alas at tipong aliw ang advertisers sa mga ipinakitang teasers ng new shows ng Dos kaya not imposibol kung loaded man sa commercial ngayon ang nasabing network.

Source: Taliba