Apr 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mark Herras mad at 'sex video scandal'

Author: Nora Calderon

Pinilit maging mahinahon ng young actor ngunit halatang galit na galit pa rin siya sa balitang may kumakalat silang sex video ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. Ayon pa sa balita, si Mark pa raw mismo ang kumuha ng video ng kanilang pagtatalik.

"Nahihiya ako kay Jen at masama ang loob ko na nagsimula pa ito sa kabilang istasyon [ABS-CBN]," mariing sabi ni Mark sa press con ng Super Noypi last Friday, November 25, sa Imperial Palace Suites. "Disappointed ako sa nagpasimula nun [sex video scandal] sa blind item."

Dagdag pa niya: "Wala namang makapagpakita sa amin tungkol sa video na sabi'y nabibili na raw sa Quiapo na may title na ‘Jennylyn.' Wala sila talagang maipakikita dahil wala naman kaming ginawang ganun. Hindi ko yun gagawin kay Jen kasi minahal ko naman yung tao. Pangit sa akin yun dahil nakataya ang pangalan ko at pangit din para kay Jen dahil babae siya."


Patuloy ni Mark, "Kahit hindi na kami ni Jen, close pa rin naman kami at inaalagaan pa rin namin ang love team namin na pinaghirapan din naman naming mabuo three years ago. Kaya ipaglalaban namin ito, hindi po namin hahayaang basta na lamang nila kami sirain."

In fact, when Mark celebrates his 20th birthday on December 14, he will have Jennylyn as a guest. He is celebrating with a birthday-dance concert billed as the "Mark Herras Dance Party," on December 16, at the Zirkoh Comedy Bar in Timog, Quezon City. Aside from Jennylyn, Mark's guests are Sandara Park, John Prats, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, LJ Reyes, Ryza Cenon, EB Babes, and the Roco Twins.

Si Mark raw ang producer nito at siya na rin ang magdidirek.

Source: Philippine Entertainment Portal