Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Mark Herras namamayat

Author: Nene Riego
Column: Kapuso

Sinimulan ng GMA-7 ang bagong Taiwanese drama na Devil Beside Me nitong Lunes (Feb. 18) na ang lead stars ay sina Mike He at Rainie Yang. Kasama rin ang isa pang heartthrob na Tsinoy na si Kingone.

Inabangan namin talaga ang DBM at na-impress kami. Kakaibang love story. Tipong a good girl falling in love with a bad boy. At bago naging maganda ang relasyon ay magkakaroon ng hadlang. Hindi ka-triangle kungdi isang pambihirang family trouble ang gugulo sa sitwasyon. Lingid sa kanila'y lovers pala ang ina ni good girl at ama ni bad boy at da-hil malapit nang pakasal ang olds nila ay magiging step-siblings sila.

Biglang sa mata ng ibang tao'y bawal o incestuous ang kanilang pag-ibig, di ba?

This early (one week pa lang umiere ang DBM) ay feel na naming susubayba-yan ng mahihilig sa romantic story ang Mangaserye offering na napapanood Lu-nes hanggang Biyernes 4:45 ng hapon. Kasi nga, it is an out of the ordinary love na dapat mamayani despite pressures of society.

* * *

Halos 'di namin namuk-haan ang isang pumayat, pero tumangkad na Mark Herras na bumati at humalik sa'min nang magkita ka-mi sa gazebo ng GMA Network Building sa Diliman, QC.

Inamin ng Bad Boy of the Dancefloor na nagsi-mula siyang mag-slim mula nang mag-aksyon. Una'y sa Fantastic Man at nga-yon ay sa Joaquin Bordado.

Kinailangan daw niyang mag-work out sa gym at magdiyeta para gumaan ang katawan at makaarte nang maayos.

"Dapat physically fit, talaga ako lalo't sobrang magaling ang mga kasama kong sina Robin Padilla at Ian Veneracion bilang mga utol ko sa teleserye," sey ni Mark.

Magkakaiba ng papel ang tatlo. May power ang namatay pero nabuhay na si Joaquin (Binoe), member ng sindikato si Jerome (Ian) at drug-pusher si Jason (Mark). Kasama rin nila sina Iza Calzado, Pen Medi-na, Mon Confiado at Eddie Garcia.

Ang JB ay akda ng henyong si Carlo J. Caparas. Sa movie version nito'y si Sen. Ramon Revilla ang gumanap sa title role.

Source: Taliba