|
|
| Mark Herras pinaligaya ni Jennylyn MercadoAuthor: Joferd Nievera MARAMI ang nagulat sa naging pahayag ni Mother Lily Monteverde na isinasa-lin na niya sa kanyang anak na si Roselle Monteverde-Theo ang pamamahala sa Regal Films. Sabi nila, nagsasawa na raw ba ang haligi at pundas-yon ng pelikulang Pilipino sa industriya ng showbiz? Kung tuluyan nang hindi pakikialaman ni Mother Lily ang Regal Films, tiyak na maraming artista ang malulungkot lalo't nasanay na sila rito bilang isa sa mga na-nay ng showbis. Katunayan, si Mother Lily lang ang prodyuser na napagsasama-sama sa isang pelikula ang talents ng mag-kalabang istasyon ng tele-bisyon sa bansa (ABS-CBN at GMA-7). Siya rin lang ang prod-yuser na kapantay ng dalawang higante ngayong mo-vie producers, Star Cinema at GMA Films. Kaya para sa amin, ang Regal Films lang ang tunay na survivor lalo na ngayong lugmok ang ating movie industry. Sila lang ang patuloy na nagpuprodyus ng pelikula kahit hindi Metro Manila Film Festival. Pero, bakit nga ba nag-desisyon ang Regal Films matriarch na hindi na ma-ging aktibo sa kanyang sa-riling produksyon? Mother, may kinalaman ba ito sa hindi pagkita ng One True Love nina Marian Rivera at Dingdong Dantes? * * * BINULAGA ni Jennylyn Mercado si Mark Herras sa kaarawan nito sa Startalk nitong Sabado. Hindi sukat-akalain ng aktor na nandun din sa nasabing TV show ang singer/actress para batiin siya sa kanyang 22nd birthday. Hindi man gaanong nagulat sa biglang pagsulpot ni Jennylyn, halatang naka- ramdam si Mark ng sobrang ligaya. Maganda ang ipinapakita ng singer/actress sa balik-tambalan nila ng aktor. Pa-rang nagbalik ang tinginan nila noong sila ay magkasintahan. Parehong hindi naka-imik sina Jen at Mark nang tanungin ni Lolit Solis kung may pag-asang magkabalikan sila. Basta ang sinabi na lang ng bad boy ng dance floor: "Ayaw kong biglain dahil kababalik lang ni Jen mula sa maselang panganganak. " Ibig sabihin, after ng ilang buwan pa ay puwede nang 'balikan' ni Mark si Jen. 'Yun ba ang ibig mong sabihin, pareng Mark? Sa tanong naman kung naiinggit si Mark dahil may anak na si Jen. Ang sabi ng aktor: "Iyon nga ang gusto ko,'yong magkaroon ng anak na halos kasing-edad ko," nangingiti nitong sabi. Ang tinig ni Mark ay nagpapahiwatig na nagsisi-si siya't hindi kanya ang na-ging anak ni Jennylyn. * * * HINDI lang ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival ang nakatakdang magbigay ng award sa mga mana-nalong pelikula na kasali ngayong taon. Ang Quezon City Deve-lopment Council sa pama-magitan ng QC Gender and Development ay may nakalaan ding award para sa pelikulang kalahok na tumatalakay sa gender sensitivity. Layunin ng nasabing award na hikayatin ang mga gumagawa ng pelikula na ma-promote ang gender equality and social responsibility in cinema and media. Noong nakaraang taon, ang Desperadas, na pinagbibidahan nina Marian Rivera, Rufa Mae Qunto, Iza Calzado at Ruffa Gutierrez ang gi-nawaran ng award bilang Quezon City Most Gender Sensitive Film. Ang mga jurors ngayong taon ay sina Dr. Gigi Alfonso, Susan Fernandez, Harlene Bautista, Danton Remoto at ang batikang nobelista sa komiks na si Pablo S. Gomez. Source: Taliba |