|
|
| Mark Herras won't court Robin's daughter KylieAuthor: Fidel Jimenez Aminado si Mark Herras na may paghanga siya sa anak ni Robin Padilla na si Kylie ngunit wala raw siyang balak na pormahan ang magandang dalaga bilang respeto sa kanyang co-star sa telefantasya ng GMA na "Joaquin Burdado." "Respeto na lang kay Kuya Binoe yun na lang dahil kay Kuya Binoe, di ba? Ayoko na munang manligaw kasi masarap yun nae-enjoy ko ang trabaho ko... ang pagiging single ko," pahayag ni Mark sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Magkapatid ang papel nina Robin at Mark sa "Joaquin Burdado," habang isa sa mga nakaburdang tattoo naman sa katawan ni Robin si Kylie. Ano naman kaya ang masasabi ni Robin kay Mark kung lumigaw ito sa kanyang anak? "Ang tingin ko kay kapatid na Mark ay batang kapatid. At hindi siguro darating na magkakaroon siya ng lakas ng loob na maging tatay nya ko. Dahil ayaw nya sigurong mabahay ko siya," pabirong komento ni Robin nang tanungin sa presscon ng bago nilang pelikula ni Ai Ai delas Alas na "Ikaw Pa Rin, Bonga Ka Boy." Wala naman daw pinagbabawalan si Robin sa mga lumiligaw sa kanyang mga anak ngunit dapat daw dumaan sila sa tamang proseso ng kultura na kanilang kinabibilangan. "Kasi mga Muslim kami... meron kaming kultura na dapat sundin," simpleng paliwanag ni Robin. Source: GMANews |