|
|
| Mark, Katrina lihim na nagtikimanAuthor: Chan-Chan Torres Lapitin talaga ng intriga si Gabby Concepcion. Wala pang isang taon na nakabalik sa sirkulas-yon heto't kabi-kabila na ang mga intrigang ikina-kabit sa kanya. Recently, tungkol sa hindi nila pagkakauna-waan ng manager niyang si Mommy Rose Flami-niano ang isyu sa aktor. Oo nga't nagkaayos na sila ng nakaalitang ka-ibigang si Jobert Sucal-dito, pero nakalulungkot na ang taong naging bahagi ng kanyang pagbabalik-showbiz, tila hindi na raw in good terms ngayon with Gabby. Usap-usapang pera umano ang pinag-ugatan ng hindi pagkakauna-wa-an ng dalawa. Isa pa rito ay ang pag-kakaroon daw ng mga ka-ibigang BI ( bad influence) ng aktor, at madali raw si-yang nasusulsulan ng mga kilala ring persona-lidad na ito. Dalawang babaing kaibigan ang itinuturong kumakampi at nanunulsol kay Gabby. Tinanong namin si Roldan Castro, tumata-yong PR ni Gabby at ma-lapit din kay Mommy Rose, tungkol sa bagay na ito. Nalulungkot nga raw si Mommy Rose dahil sa mga kaganapang ito. Napag-alaman din na-ming naaawa lang ang la-dy producer kay Gabby kaya nagpasya itong huwag munang magsalita. Nagkaroon na rin ng plano na mag-uusap sina Mommy Rose at Gabby nu'ng Lunes ng gabi. Sa kung anumang dahilan, hindi 'yun natuloy. Dagdag pang impormasyon na aming natanggap, nag-uusap lang daw ang dalawa through Gabby's road manager. Unfair kung huhusgahan agad natin si Gabby. Pero base sa naglalaba-sang issues about him, nangangahulugang ma-bilis siyang maimpluwensiyahan ng kung sinu-sino. Hindi maganda para sa isang lalaki ang hindi naninindigan, 'di ba? * * * Hindi nagpaliguy-ligoy si Mark Herras nang tanungin siya sa Showbiz Central kung sino ang girlfriends niyang 'di niya inamin ever in public. Lalaking-lalaki si Mark sa pagsasabing sina Ryza Cennon at Katrina Halili ang dalawa sa naging secret loves niya. Sinabi pa ni Mark sa Showbiz Central na kasikatan ng loveteam nila ni Jennylyn Mercado nang nagustuhan niya si Ryza. Nalaman daw ito ng management ng GMA-7 at agad siyang pinagsabihan na huwag ituloy ang balak na panliligaw kay Ryza para 'di maapektuhan ang love-team nila ni Jen. 'Yung kay Katrina naman, napabalitang nagdi-date sila ni Mark noon, pero never nilang inamin. Kaya hayun, nagpaalam muna si Mark on air kay Katrina na huwag daw itong magagalit kung sasabihin niya ang totoong naging sila nga before. * * * Proud si Valerie Concepcion sa kanyang three year-old daughter na si Fiona. Kabilang ito sa top- three sa klase at matalinong bagets daw ito. 'Pag Sabado ay isinasama ni Val si Fiona sa studio ng Wowowee at marami ang natutuwa rito. Lumalaki na ang bata, pero ni minsa'y 'di siya nakikita ng fadir ni-ya. Super-work daw itong si Valerie para mabigyan ng magandang kinabuka-san ang anak. Source: Taliba |