Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Mark, ayaw ma-link sa anak ni Binoe

Matagal pa ang ipaghihintay ng mga nag-aabang sa Survivor Philippines, dahil sa September 8 pa ang airing nito. Hindi na rin nahintay ng iba ang official announcement ng GMA-7 sa napiling 16 castaways at may nag-post sa Internet ng kanilang mga pangal...

 

Mark, ayaw ma-link sa anak ni Binoe

Author: Nitz Miralles

Matagal pa ang ipaghihintay ng mga nag-aabang sa Survivor Philippines, dahil sa September 8 pa ang airing nito.

Hindi na rin nahintay ng iba ang official announcement ng GMA-7 sa napiling 16 castaways at may nag-post sa Internet ng kanilang mga pangalan. Akala ba namin ay bawal ang spoiler, bakit may nakalabas na info at pati kung saan gagawin ang taping?

Violent lang ang reaction ng ibang fans ng Survivor na ayaw sa planong five times a week, 30 minutes airing nito from Monday to Thursday at one hour every Friday.

Gusto nilang mag-stick ang Channel 7 sa once-a-week nitong airing.

Ayaw din nila sinasabing idaraan sa text voting ang pagpili ng winner na pangit naman talaga.

Si Paolo Bediones ang host ng Survivor Philippines, na ang payo ni Jeff Probst, host ng U. S. Survivor, ay "the best thing to do is be yourself. "

Curious ang Kapuso fans kung magkano ang ibinayad kay Probst ng Siyete sa pagpo-promote ng Survivor Philippines.

Hindi pa man umeere ang Survivor Philippines, balita nang magkakaroon ito ng celebrity edition at ngayon pa lang, marami na ang interesadong mag-audition.

* * *

Nag-react si Mark Herras sa nasulat na sasamahan niya si Jennylyn Mercado 'pag nanganak, dahil may mga nag-react at pumuna sa kanya.

Ang sinabi lang daw niya'y bibisitahin niya sa ospital ang ex-girlfriend bilang kaibigan at 'di dapat bigyan ng malisya.

Ipinag-react din ni Mark ang patuloy na paninira sa kanya ng isang grupo ng fans na ayaw siyang kapareha ni Rhian Ramos at ginagawang big deal ang pag-i-smack nila sa I. T. A. L. Y.

Ang GMA Films at GMA-7 daw ang may gusto nu'n at trabaho lang ang ginagawa nila.

Ayaw din ni Mark na nili-link siya kay Kylie Padilla, anak ni Robin Padilla at kasama niya sa Joaquin Bordado.

Sabi nito: "Nagulat ako na may isyu sa aming dalawa at hindi totoo 'yon. Ang takot ko lang kay Kuya Binoe. Sabi rin niya, alam ko ang dapat at hindi dapat. Wala akong lovelife ngayon, nakaka-trauma, nakakapagod at sakit lang ng ulo, trabaho muna ako. "

Mixed emotions si Mark sa nalalapit na pagtatapos ng Joaquin Bordado, malungkot siya't mababawasan ang regular show niya, pero masaya na rin sa chance na makatrabaho si Robin.

Kahit sa kanya, maalaga ito at ang laging payo ay 'wag madaliin 'pag gumagawa siya ng fight scene para maganda ang trabaho.

* * *

Walang nagawa ang pagtutol ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson na isama sa cast ng My Girl sina Robi Domingo, Nicole Uysiuseng at Josef Elizalde, dahil balita namin, any day now, ipakikilala na sila sa entertainment press at malalaman ang respective roles nila.

Nag-pictorial na ang tatlo bilang paghahanda sa kanilang presscon.

In fairness, may mga natuwa rin naman sa balitang kasama na ang tatlong galing sa Pinoy Big Brother sa My Girl.

Tama ang mga nagdepensa sa kanila na kailangan nila ng break at kung sina Kim at Gerald ang makakatulong sa kanilang pagsikat, dapat matuwa pa ang fans ng magka-loveteam.

* * *

Kasama si Alfred Vargas sa cast ng Civil Status: Single, ang bagong pelikula ni Rufa Mae Quinto sa Viva Films sa direction ni Joey Reyes.

Isa ang actor sa limang lalaking ma-i-involve sa sexy actress. Excited si Alfred, dahil Banal pa ang last movie niya na ipinalabas sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Busy pa rin sa telebsiyon si Alfred at ibinalitang malapit nang i-play-up ang love triangle nina Erebus (his character), Dyesebel at Fredo (Dingdong Dantes) sa Dyesebel.

Kaya pala sa napanood naming episode, binanggit ni Erebus kung gaano niya kamahal si Dyesebel.

Napapanood din sa Nuts Entertainment si Alfred at kagagaling nila sa Macau at Hong Kong, nag-taping para sa anniversary presentation ng gag show.

* * *

Para sa mga magulang na may mga anak na nagdadalaga't nagbibinata ang Friday episode ng Moms na Your Pre-Teens and You. MAgsi-share ng kani-kanilang parenting experiences sina Jamie Rivera, Joanne Quintas, Christine Jacob at kasama nila si Dra. Excelsa Tongson. Guest performer si Rachel Alejandro na kakanata ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Napapanood ang Moms , Monday to Friday, 5pm sa Q-11,hosts sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes.

* * *

Congratulations kay direk Joel Lamangan, kay Dinno Erece at sa Regal Entertainment sa pagkakapanalo ng Zsa Zsa Zaturnnah Zee Movie as Best Super-Awesome-Uber-Whack-Mega-Gaylord-Magic-Surprise Film at the Calgary's Tenth International Gay and Lesbian Film Festival (Canada) last June 5.

Source: People's Tonight