Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Mark ayaw nang pag-usapan ang ex-gf

Hindi gimik ang sagot ko sa mga nagtatanong kung gimik ba ang paghihiwalay nina Mark Herras at Lian Paz para mapag-usapan ang loveteam nina Mark at Rhian Ramos sa My Only Love.Hindi papayag si Mark na magamit ang kanyang personal na buhay para i-promot...

 

Mark ayaw nang pag-usapan ang ex-gf

Column: Take It Take It
Author: Lolit Solis

Hindi gimik ang sagot ko sa mga nagtatanong kung gimik ba ang paghihiwalay nina Mark Herras at Lian Paz para mapag-usapan ang loveteam nina Mark at Rhian Ramos sa My Only Love.

Hindi papayag si Mark na magamit ang kanyang personal na buhay para i-promote ang TV show nila ni Rhian.

Sa totoo lang, ayaw nang magsalita ni Mark tungkol sa break-up nila ni Lian dahil moving on na ang kanyang drama.

May mga nag-isip siguro na gimik ang isyu dahil magka-rhyme ang pangalan nina Lian at Rhian!

* * *

Naloka ako sa mga feedback sa item ko tungkol kina Diether Ocampo at Kristine Hermosa.

Lahat ng mga nag-comment eh iisa ang reaksyon, wah sila care kung mag-reconcile sina Diether at Kristine as in uyang-uya na raw sila sa isyu. Mahigpit ang kanilang pakiusap na huwag na akong magsulat tungkol sa relasyon ng dalawa dahil sawang-sawa na sila.

Sino ba naman ako para hindi pagbigyan ang inyong mga request?

* * *

Bayolente rin ang reaksyon sa sinabi ni Manny Pacquiao na demolition job laban sa kanya ang pagkalat ng mga litrato nila ng isang babae sa Internet.

Bakit daw demolition job eh mismong si Manny ang starring sa mga picture?

Hindi ko alam ang tumpak na kasagutan. Iisipin ko na lang na big fan ni Manny ang girl at  proud na proud ito na magkaroon sila ni Manny ng picture together.

Burado ang mukha ng babae kaya pahulaan ang kanyang identity. I'm sure, maganda siya at base sa mga picture na na-sight ko, may hawig siya kay Jinkee. Teka, baka naman si Jinkee ang girl? Baka binura ang kanyang face para lalong pag-usapan ang isyu?

Made na talaga si Manny dahil bawat kilos niya eh binabantayan at nakukunan ng mga hidden camera. Na-Luz Valdez na talaga ang kanyang privacy. Mahirap talaga na maging sikat!

* * *

Walang naniniwala na ako ang gaganap na Darna at Dysebel. Alam nila na pinaglalaruan ko lang ang isyu dahil nauya nga ako sa mga nagpapadala ng petition letter na si ganito at ganireng artista ang gusto nila na gumanap na Darna at Dysebel.  

Mula nang isulat ko na ako si Darna at si Dysebel, huminto na ang pagdating ng mga petition letter. Natauhan o nasuklam yata ang mga aligaga sa pagpapadala ng mga e-mail. Ano sa palagay mo Mama Salve? Hindi ka rin mapalagay? Ako rin eh.

Source: The Philippine Star