|
|
| Mark, clueless sa pagseselos ni DennisAuthor: Nitz Miralles Magaling mag-isip ng presscon concept si Rams David, program manager ng Ikaw Sana, dahil early Christmas ang motif ng presscon ng bagong series nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na magpa-pilot sa Monday, bago ang 24 Oras. Si Joel Lamangan ang director ng drama series na tungkol sa betrayal, deceit, love and family. Excited daw siya na maidirek ang isa sa most bankable loveteams ng GMA-7 at reunion nila ang project with Pauleen Luna na nakasama rin nila sa Blue Moon ng Regal. Masaya si Mark sa balik-tambalan nila ni Jennylyn na masarap daw katrabaho at perfect loveteam ito sa kanya. Kumportable sila sa friendship nila ngayon at bahala na ang destiny kung magkakabalikan sila at kung mangyayari, hindi isyu kung may anak na si Jennylyn. Hindi pala alam ni Mark ang isyung pinagselosan siya ni Dennis Trillo kaya mabilis na natapos ang relasyon nito at ni Pauleen Luna. Sabi ni Mark: "Hindi ko alam at 'di ko inisip na pinagselosan ako ni Dennis dahil friends lang kami ni Pauleen. Hindi ako nagtatanong sa kanya kung ano ang nangyari, pero kung lalapit siya, I'll give her advice. " * * * Kasama rin sa cast ng Ikaw Sana si Janna Roxas sa role ni Charlene, ang sosyalerang kaibigan ni Sofia (Pauleen). Happy siya na may regular show na uli at nag-promise na magsisipag at uunahin ang trabaho kesa lovelife. For the first time, inamin ni Janna ang eight-month relationship nila ni Alfred Vargas na itinatanggi ng actor. Hanggang ngayon, masakit pa rin kay Janna ang ginawa ng actor lalo't napanood pa niya sa TV ang pagdi-deny nito. "Niligawan niya ako at nagpupunta pa siya sa Tarlac. Hindi namin itinago ang relasyon namin, lumalabas kami in public. BF/GF ang relasyon namin at 'di ko naisip na may iba pa pala siyang GF. "Si Alfred ang nakipag-break sa akin, kailangan daw niyang harapin ang sarili niya, nalaman ko na lang may iba na siyang GF. Si Alfred ang nakipag-break at masakit sa akin 'yon dahil hindi lang BF ang tingin ko sa kanya, idol pa. " Paano kung balikan siya ni Alfred? "Parang 'di na mangyayari 'yon dahil narinig ko, magpapakasal na sila ng GF niya. Sa Facebook account niya, may picture pa ng GF niya. Wala na kaming communication, pero noong birthday ko last August 22, binati niya ako, he texted me. " Ano kaya ang masasabi ni Alfred sa rebelasyong ito ni Janna? * * * Nag-renew ng kontrata sa Hanford si Geoff Eigenmann na three years nang endorser ng undergarment brand. Present ang manager nitong si Perry Lansigan at si Victor Te sa muling pagpirma ng kontrata at abangan daw ang kanyang billboard, the most daring pictorial na kanyang ginawa para sa Handford bilang pasasalamat sa pagkuha at pagsuporta sa kanya. To prepare for the pictorial, nag-diet siya at tuluy-tuloy ang workout. May special diet siya na binabaon sa taping ng Rosalinda para 'di ma-tempt kumain ng food sa taping. As for Rosalinda, mas exciting pa ang mga susunod na episode sa pagpasok ni Alex Durantes (Jomari Yllana) at sa pagpapakasal ni Fernando Jose (Geoff) kay Fedra (Katrina Halili). Tinanggap ni Fernando Jose ang alok na kasal ni Fedra para may mag-alaga kay baby Erica. Hindi alam ni FJ na sa araw ng kanyang kasal, bumalik na ang alaala ni Paloma at sinabi kay Alex na siya'y si Rosalinda at asawa niya si Fernando Jose. Mabawi pa kaya ni Rosalinda si FJ kay Fedra? 'Wag palalampasin ang episode mamaya sa buhay ni Rosalinda. * * * NGAYONG Huwebes sa Darna, nagkagulo sa bayan sa pag-arate ng giant palaka na creation ni Dr. Morgan (Ricky Davao). Hinarap ni Darna ang giant palaka, pero nakuha siya ng dila nito. Samantala, naging ahas si baby Ana (anak ni Roma) at hinampas ito ni Gabriel (Alfred Vargas), pero nang silipin ang ahas sa ilalim ng kama, si baby Ana ang nakita. Malalaman nina Loleng (Caridad Sanchez) at Narda na Alicia ang pangalan ng ina ni Narda. Huholdapin nina Shiro (Polo Ravales) ang isang jewelry shop at mag-iisip ng paraan para pumunta si Darna at nang dumating, babarilin nila ito ng pampatulog. * * * MAMAYA sa All My Life, hindi na maitago ni Romina (Kris Bernal) na mahal pa rin niya si Jules (Aljur Abrenica), pero sinabihan niya itong 'wag na silang magkita at magtawagan. Inamin din ni Romina kay Perry (Paulo Avelino) na mahal pa niya si Jules, kaya magde-decide si Paulo na ipaubaya si Romina kay Jules. Sa engagement party nila ni Romina balak i-announce ni Perry na sina Jules at Romina ang ikakasal. Nanlumo si Gary (Jay Manalo) sa resulta ng check-up ni Marita dahil nadiskubreng may cancer ang asawa at stage 3 na. Source: People's Tonight |