|
|
| Mark, hindi insecure kay Marian!![]() Author: Jun Nardo NIRERESPETO ni Mark Anthony Fernandez si Dingdong Dantes na alam niyang malapit sa puso ng leading lady niya sa Darna na si Marian Rivera. “Siyempre! Saka hindi naman tayo babaero! Dati 'yon! Pero kung wala siyang Dingdong, nandoon siyempre 'yung pakikipag-close ko sa kanya, pag-iistima at kung anu-ano pa. Kaya nga hindi na puwede. Saka alam naman ng lahat na pamilyado na tayong tao!” say ni Mark Anthony. Nabura rin sa isipan ni Mark 'yung tsimis kay Marian na maldita raw ito. Si Marian man at ang pagiging Darna nito ang dahilan ng mataas na rating ng show, at hindi dahilan 'yon para ma-insecure si Mark. “Walang dahilan para ma-insecure ako kay Marian. Kahit anong role nga ang ibigay sa akin, kahit kontrabida, tatanggapin ko pa rin. Masarap 'yung may trabaho ka, 'di ba?” sabi pa ni Mark. Source: Abante |